BLIND ITEM: Kilalang Aktres, Maramot at Malupit sa mga Kasambahay?!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-05 16:56:01
Nobyembre 5, 2025 – Marami ang nagulat nang kumalat ang tsika tungkol sa isang kilalang female star na sa labas ay sweet at mabait, pero iba pala kapag nasa loob na ng bahay niya! Ayon sa mga malalapit na source, madalas raw magpalit ng kasambahay si aktres — at hindi dahil mahirap hanapan, kundi dahil hindi daw siya kayang tiisin!
Kuwento ng isa sa mga nakakatrabaho niya, “Grabe raw kung sigawan, at may favoritism pa sa pagkain. Iba ang ulam ng mga kasama sa bahay, at madalas pa ay mga tirang pagkain lang mula sa nagdaang araw.”
At kung akala niyo doon na natatapos, wait—there’s more! Ayon pa sa mga nakakaalam, bawal dumaan sa main door ang mga kasambahay. Dapat daw ay sa likod pumasok at lumabas. Pati oras ng pagkain, kontrolado—kakain lang sila kapag tapos na lahat ng miyembro ng pamilya, kahit pa abutin ng alas-diyes o alas-onse ng gabi.
Dalawa lang daw ang kasambahay sa malaking bahay ni aktres, pero parang pang-limang tao ang workload. Isang tagalinis ng buong bahay at isang all-around na namamalengke, nagluluto, naglalaba, at nagpa-plantsa. Todo utos daw si aktres mula umaga hanggang halos madaling-araw, at bawal pa mag-cellphone habang nagtatrabaho.
Ang masaklap, ayon sa chika, ₱7,000 lang daw ang sahod, tapos kailangan pa nilang bumili ng sarili nilang sabon at shampoo!
Dagdag pa ng source, “Nakakaawa talaga. Hindi tratong tao. Kaya kahit anong ganda ng imahe niya sa publiko, ibang-iba raw kapag nasa bahay.”
Naku, kung totoo nga ito, nakakagulat dahil kilala si aktres sa pagiging mabait sa harap ng camera. Pero sa likod ng mga ngiti at mabubuting salita, may itinatagong ugaling ikinagugulat ng marami. Sino kaya itong “Maramot at Malupit na Aktres” na ito?
Clue: Laging bida sa mga family-oriented projects, pero sa totoong buhay… hindi raw family-friendly ang trato sa mga kasama niya sa bahay!
