Diskurso PH
Translate the website into your language:

Claudine Barretto, nagbabala sa umano’y ‘side chick’ ng kasintahan

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-10 23:36:04 Claudine Barretto, nagbabala sa umano’y ‘side chick’ ng kasintahan

November 10, 2025 – Muling napasabak sa kontrobersiya ang aktres na si Claudine Barretto matapos niyang maglabas ng matinding pahayag sa social media laban sa isang babae na umano’y naging “side chick” ng kanyang kasintahang si Milano Sanchez.

Sa Facebook post ni Claudine, direktang binanggit ang babaeng nagngangalang Patti. Ayon sa aktres, si Patti ang dahilan ng pagkasira ng relasyon nina Milano at ng kanyang dating girlfriend na si Rita. “Hi Patti. You really won’t stop? You were just his side chick then. You destroyed Rita and Milano. Rita was the girlfriend. You have and will always be the crazy, bitter, side chick who can’t move on,” ani Claudine.

Dagdag pa niya, “This will be my final warning. I wanted peace. You want war. That I promise you I will give you.” Hindi rin niya pinalampas ang pagkakataon na sabihing, “Just hope you can handle the heat. Oh, stop lying about Milano and stop calling! You’re insane!”

Kasunod nito, naglabas muli si Claudine ng isa pang post na tila nagbabantang patalsikin ang babaeng tinukoy niya: “Your three hours of fame are up! Feeling the heat? Ikaw, mamili.”

Ang sunod-sunod na mensahe ng aktres ay nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko. Habang may mga netizens na nagpayo na huwag na lang patulan ni Claudine ang naturang babae, may ilan din na naniniwala na tama lang na ipaglaban niya ang kanyang sarili at reputasyon.

Ang insidenteng ito ay sumabay sa masayang balita tungkol sa bagong pag-ibig ni Claudine. Noong Oktubre, nagpakilig ang aktres sa kanyang social media followers nang ipakita niya ang sweet photos kasama si Milano Sanchez, na nagpapakita ng closeness at pagkakaintindihan nila bilang mag-partner.

Sa kabila ng kontrobersya, nagpahayag naman si Milano ng kanyang suporta at dedikasyon sa relasyon nila. “The courtship starts now. No matter how long it takes, I will wait. No one will ever break you again,” ayon sa caption ni Milano sa kanyang social media post.

Si Milano ay kapatid ng batikang news anchor na si Korina Sanchez, kaya naman lalong naging sentro ng usap-usapan ang kanilang relasyon. Samantala, patuloy na sinusubaybayan ng publiko kung paano haharapin ni Claudine ang umano’y side chick at kung paano mapapanatili ang katahimikan sa kabila ng tensyon sa social media.