Carlos Yulo ready nang mag-propose kay Chloe San Jose, pero pinipigilan muna ang sarili: 'Dapat hindi minamadali'
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-13 22:11:37
Nobyembre 13, 2025 – Handa na raw ang world-class gymnast na si Carlos Yulo na magpakasal sa kanyang longtime girlfriend na si Chloe San Jose, pero aminado siyang pinipili muna niyang huwag magmadali sa pagpropose.
Sa isang panayam, ibinahagi ng dalawa na napag-uusapan na nila ang tungkol sa kasal at pareho silang nangangarap ng isang church wedding. Ayon kay Chloe, gusto niyang maging simple pero espesyal ang moment kapag dumating na ang araw ng proposal.
“I told him naman like the things that I want there — I want the family to be complete and maganda yung set-up,”pahayag ni Chloe.
“I’ll make sure my nails are not overgrown, my hair and makeup are done, and I’m wearing something nice,” dagdag pa niya nang may halong tawa.
Samantala, ibinunyag naman ni Carlos na naghahanap na siya ng engagement ring para kay Chloe, pero tila nainip daw ito nang mabuking siya ng nobya.
“Na-realize ko na dapat hindi siya minamadali, pinagpaplanuhan talaga. Pero that time, I’m really ready na,” amin ni Carlos, na kilala bilang isa sa pinakamatagumpay na gymnast sa bansa.
Pagdating naman sa pagkakaroon ng anak, game na raw si Caloy kung sakaling biyayaan na sila ni Chloe pagkatapos ng kasal.
“Gusto ko ibalik yung suporta na binigay niya sa akin. After ng wedding, gusto ko na magkaanak kami. Kung ano po yung ibigay ni Lord, pero prepared po ako para sa tatlo,” natatawang sabi ng athlete.
Hindi naman nagpahuli si Chloe at sinabing seryoso silang magplaplano ng kanilang pamilya bago magbuntis.
“Family planning, it has to be planned well talaga. Kids will be very big responsibilities forever. We have to be ready not just financially, but mentally and emotionally,” paliwanag ng singer.
Sa ngayon, parehong abala sina Carlos at Chloe sa kani-kanilang career, pero pareho rin nilang sinasabing “sila na ang endgame ng isa’t isa.”
Mukhang malapit na nga ang matamis na “yes” — pero gaya ng sabi ni Carlos, ang pinakamagandang proposal ay ‘yung pinagpaplanuhan nang mabuti, hindi minamadali.
