‘Hard launch malala!’ Tricia Robredo engaged na pala — pero sino nga ba ang misteryosong fiancé niya?
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-13 22:27:36
Nobyembre 13, 2025 – Nagulantang ang social media matapos i-“hard launch” ni Dra. Tricia Robredo ang engagement niya — at take note, isang taon na pala siyang engaged nang hindi alam ng publiko!
Sa kanyang latest Instagram post nitong Nobyembre 12, ikalawang anak ni dating VP at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo ang nagpasabog ng kilig nang ibahagi ang throwback moment kung saan siya ay sinorpresa ng proposal ng kanyang boyfriend sa Cambridge, Massachusetts.
“My morning run was cut short a year ago today. Unli miles were promised to make up for it,” sabi ni Tricia sa caption — simpleng linya, pero ramdam ang “rom-com vibes” na parang eksena sa pelikula!
‘Sino siya?’ — tanong ng bayan
Habang todo kilig ang mga followers, ang tanong ng karamihan: Sino nga ba ang misteryosong fiancé ni Dra. Tricia?
Hanggang ngayon, hindi pa niya pinapangalanan ang lucky guy. Pero sabi nga ng mga marites online, hindi ito ang first time na “flinex” ng doktora ang naturang lalaki.
Matatandaang noong July 25, sa kanyang 31st birthday post, nagbahagi siya ng serye ng pictures — at doon, sa slide 13, may pa-sneak peek ng kanyang special someone!
At ayun na nga, naglabasan ang mga reaksyon ng mga netizen:
“Slide 13! Sakit pero congrats Doc!”
“Uwian na mga bakla, nag-hard launch na si madam!”
“Doc Triciaaaa congrats, labyu pa rin kahit taken ka na!”
Halatang marami ang napa-“zoom in” sa photo at nagkandarapa sa pag-stalk, pero in fairness, classy pa rin ang approach ni Dra. Tricia — hindi full reveal, just enough para magpa-curious.
‘Approved kay Mama Leni!’
Mukhang pasado naman kay Mama Leni ang mapapangasawa ng anak.
Sa isang old interview ni Karen Davila noong 2021, sinabi ni Leni na kampante siya sa mga anak niyang babae dahil kilala raw ng mga ito ang tunay na value ng pagmamahal.
“Nakita nila kung paano ako tinrato ng papa nila, so confident ako na hindi sila magse-settle for less,” ani Leni.
At mukhang totoo nga — dahil sa lahat ng “soft launch” at “hard launch” ng 2025, Tricia Robredo’s engagement reveal ang isa sa pinakakalmado pero nakakakilig na announcement ng taon!
Netizens be like: “Okay, 2025 ka na nga, pero bakit ako 2020 pa rin — single!”
“Hard launch goals! Grabe, lowkey pero lakas ng impact!”
Congratulations, Dra. Tricia! Waiting na lang kami sa official fiancé reveal at sa bonggang kasalan soon!
