Ang kabog na sagutan ng Miss Universe 2025 Top 5 sa Final Q&A!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-21 12:39:20
Nobyembre 21, 2025 – Tila umapaw ang kilig, kaba, at star power sa Impact Challenger Hall sa Thailand matapos magharap-harap ang Top 5 finalists ng Miss Universe 2025 para sa pinakaimportanteng bahagi ng gabi — ang Final Question and Answer. Isa lang ang tanong, pero milyon ang nakatutok. At siyempre, bongga ang bawat sagot!
Mula sa 120 delegates worldwide, napiga ang kompetisyon hanggang Top 30, Top 12, at sa huli’y umabot tayo sa lima sa pinaka matapang at pinaka in-demand na reina ngayong taon: Thailand, Philippines, Venezuela, Mexico, at Côte d’Ivoire.
Ang tanong: “If you win the title of Miss Universe 2025 tonight, how will you use your voice to empower young girls?”
At eto na… ang kabuginang sagot ng bawat kandidata!
MISS UNIVERSE THAILAND 2025: Rise, shine, repeat!
Ramdam ang confidence ni Thailand habang ibinida niya na ang tunay na queen ay hindi natitinag.
Ayon sa kanya, lahat ng babae ay may pinagdaanang struggles—pero ang mahalaga ay ang pagbangon. Gusto niyang maging “her own hero” at maging ilaw para sa iba. Kung siya raw ang Miss Universe, asahan daw ang isang reign na puno ng tapang at pag-angat!
MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2025: Ahtisa Manalo, may puso para sa kabataan!
Pasabog ang sagot ng PH bet na si Ahtisa Manalo, proud na ikinuwento ang involvement niya sa Alon Akademie.
Binigyang-diin niya na ang “life circumstance” ay hindi dapat pumigil sa pangarap ng kabataan. Kung mananalo siya, palalakihin niya ang platform para matulungan ang mga batang galing sa low-income communities.
Queen with a cause, indeed!
MISS UNIVERSE VENEZUELA 2025: Determined queen energy!
Binigyang-halaga ng Venezuela ang tamang edukasyon at komunikasyon para sa kabataang babae.
Ipinakita rin niya na ang kanyang sariling experiences ang nagtulak sa kanya para maging matatag, determined, at goal-driven. Gusto raw niyang makita ang mga batang babae na may tapang na abutin ang kanilang pangarap—katulad ng pag-abot niya rito sa finals.
MISS UNIVERSE MEXICO 2025: Authenticity is power!
Simple pero malutong: “Believe in your authenticity.”
Yun ang mensaheng gusto ni Mexico para sa kabataan. Inuulit-ulit niyang mahalaga ang self-worth, dreams, at personal voice. At para sa kanya, walang sinumang dapat magpahina ng loob ng isang batang babae. Girl power kung girl power!
MISS UNIVERSE CÔTE D’IVOIRE 2025: Bold, modern, unapologetic!
Walang takot na sinabi ni Côte d’Ivoire na gusto niyang maging mukha ng bagong era—isang henerasyon ng babaeng hindi humihingi ng sorry sa pagiging totoo sa sarili.
Kung siya raw ang Miss Universe, gusto niyang maging living reminder na kayang pumasok ng babae sa kahit anong room, mag-shine, at yakapin ang identity niya nang buong-buo.
Ang init ng sagutan!
Ang Final Q&A ngayong taon ay hindi lang tungkol sa ganda at grace, kundi sa tapang, purpose, at tunay na puso para sa empowerment. At dahil live na live itong napanood ng buong mundo, lalong tumingkad ang lakas ng bawat bansa at ang boses ng kanilang kandidata.
