Diskurso PH
Translate the website into your language:

Miss Universe judge Omar Harfouch, nagpasabog ng bagong akusasyon: 'Fake winner si Miss Mexico'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-21 22:33:30 Miss Universe judge Omar Harfouch, nagpasabog ng bagong akusasyon: 'Fake winner si Miss Mexico'

Nobyembre 21, 2025 – Nagpayanig muli sa pageant community ang Miss Universe 2025 matapos maglabas ng panibagong kontrobersyal na pahayag ang resigned judge na si Omar Harfouch. Ilang araw matapos siyang umatras mula sa eight-member judging panel, muling nag-viral ang kanyang pangalan dahil sa matapang na IG post na nag-aakusa umano ng “influenced results” sa katatapos lang na coronation.

Sa kanyang Instagram update, ibinunyag ni Harfouch ang diumano’y ugnayan ng Miss Universe owner na si Raúl Rocha sa pamilya ni Miss Mexico Fatima Bosch—ang kandidatang tinawag pa niyang “fake winner.” Ayon sa kanya, nasabi na rin niya ito sa isang exclusive interview bago pa man ang coronation night.

Ani Harfouch sa kanyang post:  “Miss Mexico is a fake winner. I declared yesterday on HBO, 24 hours before the Miss Universe final, that Miss Mexico would win—because Miss Universe owner Raúl Rocha is in business with Fatima Bosch’s father… Raul Rocha and his son urged me, a week ago in Dubai, to vote for Fatima because they need her to win ‘because it will be good for our business.’”

Matatandaang noong nag-resign si Harfouch, sinabi niyang hindi na siya komportable sa sistema dahil may umano’y “impromptu jury” na pumili na ng finalists bago pa ang live competition sa Thailand. Giit niya, hindi raw ito patas sa mga kandidata at gusto niyang manatili sa panig ng transparency.

Sa ngayon, nananatiling tahimik ang Miss Universe Organization at wala pang opisyal na pahayag tungkol sa mabibigat na akusasyon ng dating judge. Samantala, hindi pa rin humuhupa ang diskusyon ng pageant fans online—lalo na’t tila hindi basta-basta matatapos ang kontrobersyang ito.

Mukhang mas marami pang pasabog ang dapat abangan sa Miss Universe 2025 saga.