Diskurso PH
Translate the website into your language:

Adult content creator Tina Slick, binunyag ang madilim na nakaraan

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-25 13:03:36 Adult content creator Tina Slick,  binunyag ang madilim na nakaraan

Nobyembre 25, 2025 – Hot topic ngayon sa mundo ng adult content creation si Tina Slick, na inamin ang pinagdaanan niyang matinding trauma sa kamay ng kanyang dating karelasyon. Pero sa kabila ng kontrobersiya, nanindigan siyang ang ginagawa niya ay isang “form of art” na matagal na niyang gustong ibahagi sa publiko.

Sa media interview noong Nobyembre 13, 2025 sa CinePOP office sa Quezon City, sinabi ni Tina na hindi tulad ng ibang creators, hindi siya galing sa tradisyunal na sex work. Ani niya, ang lakas niya talaga ay negosyo—lalo na sa food business—pero nag-shift siya sa content creation nang magsulputan ang creators noong pandemya.

Ikinuwento rin ni Tina na nagsimula ang content career niya kasama ang dati niyang partner. Pareho raw nilang gustong ipakita ang kanilang “intimacy” at eventually, napagpasiyahan nilang i-share ito sa audience na open sa ganitong uri ng entertainment.

Para kay Tina, hindi lang basta video ang kanyang ginagawa—kundi artistic expression. Gusto niya raw na cinematic, expressive, at puno ng emosyon ang kanyang content. Para sa kanya, ang passion ang nagdadala ng kalidad sa kanyang trabaho.

 na siya ng CinePOP, iba raw ang approach sa mga proyekto—mas mild, mas acting-based, at mas polished. Wala siyang particular preference kung sino ang mga nakakatrabaho niya, basta’t bahagi ito ng project at creative direction.

Pagdating sa pamilya, inamin ni Tina na noong una ay nagalit at nabigla ang kanyang mommy dahil sa nature ng career niya. Pero eventually, natanggap na rin siya ng pamilya lalo na’t nakakatulong siya sa gastusin at pag-aaral ng kapatid niya.

Aminado siyang nagulat din ang mga kamag-anak kapag may biglang nagpapapicture sa kanya sa labas. Pero nang malaman nila kung bakit siya kilala, natutunan nilang tanggapin ang ginagawa niya.

 niyang nasa industriya, masaya raw siya na hindi siya gaanong nagkaroon ng masasamang karanasan sa mga nakatrabaho niya. Mas madalas pa nga raw na babae ang nakaka-collab niya, at mababait daw ang mga ito.

Hindi rin daw siya nagpapaapekto sa bashing. Bago pa siya nag-upload ng content, pinaghandaan na raw niya ang anumang negatibong puna. “May market naman ako,” sabi niya, kaya hindi siya nagpapadala sa mga harsh comments.

Ibinahagi rin ni Tina na bagama’t hindi siya regular magsimba, malakas ang pananalig niya at madalas siyang nagdarasal—lalo na noong nasa “dark place” siya ng buhay niya.

Dito na niya ikinuwento ang pinakamabigat na bahagi ng kanyang journey—ang pagiging physically abused ng dati niyang karelasyon habang aktibo siya sa content creation. Araw-araw daw siyang umiiyak at nagdarasal na makaalis, hanggang sa isang araw ay iniligtas siya ng kanyang mga kapitbahay.

Matapos ang insidenteng iyon, nag-isolate siya para makapag-heal. Ayon sa kanya, hindi biro ang trauma na naiwan kaya hanggang ngayon ay may mga bagay siyang iniiwasan dahil sa PTSD.

Ngayon, habang patuloy pa ang healing journey niya, mas pinipili niyang maging maingat sa mga proyektong tinatanggap niya at mas inuuna ang emotional wellbeing niya.

Larawan mula sa Pep.ph