Emman Pacquiao at Jillian Ward, nagkita na!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-25 23:55:02
Nobyembre 25, 2025 – Natuparan na ang matagal na wish ng teen boxer at bagong Kapuso talent na si Eman Bacosa Pacquiao nang personal niyang makilala ang Kapuso actress na Jillian Ward, na matagal na niyang ina-admire.
Nagkita ang dalawa sa premiere night ng KMJS: Gabi Ng Lagim The Movie na ginanap sa Trinoma Mall Cinema 6, Quezon City. Bahagi ng cast ng pelikula si Jillian kasama sina Elijah Canlas, Miguel Tanfelix, Roco Nacino, Sanya Lopez, John Lucas, at Jessica Soho.
Kilig moment sa red carpet. Saksi ang fans at media sa genuine excitement ni Eman nang makita si Jillian. Matapos ang mabilis na kumustahan, nag-shake hands ang dalawa at nauwi sa isang warm hug na agad ikinakilig ng mga naroon.
Habang iniinterbyu naman ang young boxer sa labas ng sinehan, muling lumapit si Jillian, at dito ay naulit ang yakapan ng dalawa — bagay na ikinatuwa ng crowd at nagdulot ng mas malakas na hiyawan.
“Five out of ten” ang chance na manligaw?
Sa guesting ni Eman sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin niyang si Jillian ang kanyang celebrity crush.
Sa tanong kung gaano niya kagustong manligaw sa aktres, sagot niya:
“Five out of ten.”
Ayon pa sa kanya, hinahangaan niya ang pagiging sweet at approachable ng Kapuso star.
Jillian: “Sana soon, hindi lang online”
Sa panayam naman ng Unang Hirit, sinabi ni Jillian na aware siya sa admiration ni Eman sa kanya at na-appreciate niya ito.
“Nakakatuwa and sana mag-meet kami. Sana soon, hindi lang online,” pahayag ng aktres.
Sinabi rin niyang nag-follow na si Eman sa kanya sa Instagram at nagla-like ng ilang posts niya.
“Finollow niya po ako, finollow back ko,” ani Jillian.
Dagdag pa niya, napanood niya ang ilang TikTok videos tungkol sa young Pacquiao at impressed umano siya dahil “he’s very Godly, he’s very nice.”
‘Gabi ng Lagim’ now showing
Showing na nationwide simula November 26 ang KMJS: Gabi Ng Lagim The Movie. Sa ngayon, patuloy pa ring pinag-uusapan online ang kilig encounter nina Eman at Jillian, na tila nag-umpisa na ng bagong young tandem na inaabangan ng fans.
