Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ano ang meron sa Kween Yasmin font? Heto kung saan ito nagmula at paano ito ginagamit

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-28 15:28:54 Ano ang meron sa Kween Yasmin font? Heto kung saan ito nagmula at paano ito ginagamit

Nobyembre 28, 2025 – Nag-trending online ang isang bagong design element kung saan makikita ang isang babaeng naka–flower crown at nagpapose bilang iba’t ibang letra ng alpabeto. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Kween Yasmin, na ngayon ay opisyal nang kabilang sa mga design asset ng Canva.

Si Kween Yasmin, na kilala sa kanyang mga viral meme, nakakatawang spoken word videos, at mga litratong malimit mag-trend, ay tampok sa bagong koleksyon ng Canva na pinangalanang “All-Purpose Kween.” Kasama ito sa “Ey-setts,” isang hanay ng visual elements na ginagamit sa paggawa ng advertisements, branding materials, at digital content.

Iba’t ibang uri ng design asset ang kasama sa “All-Purpose Kween.” Bukod sa font kung saan siya ang bumubuo ng bawat letra, mayroon ding “Kweemojis,” stock photos, at ang “Kween of Signs,” kung saan hawak niya ang isang blangkong banner na maaaring lagyan ng sariling teksto o graphics ng user. Tampok din ang ilang thematic poses tulad ng “Wet Marketing,” kung saan nakapose siya sa palengke habang naka-business attire, at “Bite or Flight,” na nagpapakita sa kanya habang kumakain ng trending na mango graham.

Makukuha ang mga design asset na ito ng Canva Pro subscribers. Para gamitin, kailangang gumawa muna ng design at pumunta sa Elements tab. Pag tinipe ang “All-Purpose Kween,” lalabas ang kabuuang koleksyon na maaaring gamitin sa mga announcement, advertisements, o iba’t ibang creative projects.

Unang sumikat si Kween Yasmin dahil sa kanyang nakakatawang online content, kabilang ang “Esophagus, Esophagus” spoken word piece at ang viral niyang peace sign photo. Lumabas na rin siya bilang guest star sa GMA Network’s “Black Rider,” at nagkaroon ng cameo role sa music video ng SB19 para sa kantang “DUNGKA!”

Larawan: Philippine Star/Canva