Gil Cuerva, nagdulot ng breakup rumors ang sunod-sunod na ‘hugot’ posts — netizens napa-speculate sa estado nila ni Lexi Gonzales
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-28 00:30:26
Nobyembre 28, 2025 – Nag-init na naman ang internet matapos mag-post ng serye ng cryptic at puno ng emosyon si Kapuso actor Gil Cuerva, na agad namang nagpasiklab ng breakup rumors tungkol sa relasyon nila ni Lexi Gonzales.
Sunod-sunod na “hugot” sa X. Nagsimula ang lahat noong Nobyembre 22, nang maglabas si Gil ng mga pahayag tungkol sa heartbreak, betrayal, at healing. Isa sa mga post niya:
"The deception will be used as fuel for my comeback. I will rebuild from this. Just remember, what goes around comes around."
Kasunod nito, nagbahagi pa siya ng mas masakit na mensahe:
"Just completely hurt and blindsided… to be betrayed like this is an all time low for me."
Napa-react din ang netizens nang mag-post si Gil tungkol sa pawang heartbreak songs na naririnig niya sa radyo — “Parang nananadya radio ah… Universe naman o.”
Makalipas ang ilang araw, napansin ng followers na tuloy ang “hugot mode” ng aktor. May isa pang post tungkol umano sa double standards:
"If the roles were reversed, I would absolutely be persecuted… double standards."
Healing arc? Noong Nobyembre 25, nag-shift ang tono ng posts ni Gil. Mas kalmado at tila handa nang mag-move forward:
"Went on quite a reasonable crash out… beginning to healing arc ko guys, no more sad boi stuff. Masakit ang nangyari sakin, but I will bounce back."
Breakup rumors with Lexi. Agad namang nagtanong ang publiko — May pinagdadaanan ba sina Gil at Lexi? Wala pang opisyal na pahayag mula sa dalawa, pero maraming nag-uugnay sa mga cryptic posts ni Gil sa estado ng kanilang relasyon.
Matatandaang huling nakita ang couple nang magkasama sa ilang Kapuso events gaya ng GMA Gala 2025, at consistent silang nagpapakita ng sweet chemistry sa TV guestings.
Binalikan ang naging pahayag ni Lexi.Sa guesting ni Lexi sa Fast Talk with Boy Abunda noong Hulyo, ibinahagi niyang nasa three-year relationship na sila ni Gil. Inamin niyang hindi pa sila handa sa kasal — pero may plano naman sa future:
"We want our relationship to go somewhere… but we're far from marriage."
Kwento pa niya, patuloy pa rin sila sa pag-aadjust sa isa’t isa: "Nagbabago ang buhay. Constant communication lang… palitan lang kami ng energy."
Dating sweet, ngayon may duda ang fans. Naging tampok pa sa fans ang mga throwback interview at photo gallery ng dalawa — mula sa unang impressions, pagse-set ng boundaries, hanggang sa kilig moments tulad ng first kiss nila sa kotse.
Pero ngayon, tila napapalitan ng tanong at pangamba ang dating kilig sa Lexi–Gil supporters.
Tahimik pa rin ang magkabilang panig. Habang patuloy ang espekulasyon, nananatiling tahimik sina Gil at Lexi. Sa ngayon, ang tanging hawak ng netizens ay ang cryptic posts — at ang tanong na:
May pinagdadaanan ba ang Kapuso couple, o may iba bang pinag-uugatan ang mga post ni Gil?
Mag-aabang ang fans hanggang may opisyal na pahayag mula sa dalawa.
