Diskurso PH
Translate the website into your language:

2025 MAMA Awards: G-Dragon, Stray Kids, Rosé at ENHYPEN wagi sa pinakamalalaking parangal sa Hong Kong

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-01 09:41:03 2025 MAMA Awards: G-Dragon, Stray Kids, Rosé at ENHYPEN wagi sa pinakamalalaking parangal sa Hong Kong

Disyembre 1, 2025 – Sa kabila ng mabigat na trahedyang tumama sa Hong Kong ilang araw bago ang event, matagumpay pa ring idinaos ang 2025 MAMA Awards sa Kai Tak Stadium noong Nobyembre 28 at 29—isang gabing pinaghalong selebrasyon ng K-pop at pakikiisa sa mga biktima ng nakalulungkot na sunog sa isang residential tower na kumitil ng mahigit 100 buhay.

Gabi ng Musika, Gabi ng Pakikisama

Hindi basta-basta ang naging emosyon sa venue. Habang nasa entablado ang pinakamalalaking artist ng K-pop, malinaw na ramdam ang pagrespeto—walang red carpet, mas pinayak na performances, at sunod-sunod na tributes para sa mga naapektuhan ng trahedya. Ilang grupo, gaya ng Stray Kids, nagpaabot pa ng donasyon para makatulong sa mga pamilyang nawalan at naapektuhan ng sunog.

Gayunpaman, hindi napigilan ang pagningning ng talento at dedikasyon ng mga artist, na binigyang-parangal ang pinaka-umangat ngayong taon.

DAESANG WINNERS: Mga Pinakamalalaking Bituin ng 2025

Artist of the Year: G-Dragon

Muling pinatunayan ni GD na siya pa rin ang hari ng K-pop artistry. Mula sa pagbabalik niya hanggang sa panibagong era sa musika, wala pa ring tatalo sa impluwensiyang dala niya sa global scene.

Album of the Year: Stray Kids – Karma

Finally! Sa unang pagkakataon, nasungkit ng Stray Kids ang kanilang kauna-unahang MAMA Daesang. Ang Karma, na ikapito na nilang sunod-sunod na Billboard 200 No. 1 album, ay nagpatibay sa kanilang reputasyon bilang isa sa pinaka-dominanteng boy groups ngayon.

Song of the Year: Rosé & Bruno Mars – “APT.”

Isang international collab na nagpa-wow sa buong music world, ang “APT.” ay naging isa sa pinakapinatok na tracks ng taon—emotionally rich, vocally powerful, at talagang pinag-usapan sa buong mundo.

Fans’ Choice of the Year: ENHYPEN

Muling pinatunayan ng ENGENEs kung gaano kalakas ang suporta nila. Isa na namang major popularity award ang nakuha ng ENHYPEN, solidifying their expanding global reach.

Pagpupugay sa Hong Kong Fire Victims

Mas naging makabuluhan ang buong event dahil sa collective effort ng artists na ipakita ang kanilang pakikiramay. Kanselado ang red carpet, may mga performance na in-adjust, at halos lahat ng speech ay may bahagi ng pagbibigay-honor sa mga naapektuhan ng trahedya.

Ilang kilalang acts—G-Dragon, Stray Kids, aespa, TXT, ENHYPEN, IVE, ZEROBASEONE, i-dle, BoyNextDoor, RIIZE, Babymonster, KickFlip, AllDay Project at marami pang iba—ang nagbigay ng remarkable pero sensitibong performances na naayon sa tono ng okasyon.

Hindi rin natuloy ang ilan, tulad ng Saja Boys collaboration stage, bilang respeto sa nangyari.

FULL LIST OF WINNERS (HIGHLIGHTS)

Main Awards

Best Male Group: SEVENTEEN

Best Female Group: aespa

Best Male Artist: G-Dragon

Best Female Artist: Rosé

Best New Artists: CORTIS, Hearts2Hearts

Best Performances

Dance Performance Male Group: SEVENTEEN – “Thunder”

Dance Performance Female Group: aespa – “Whiplash”

Dance Performance Male Solo: G-Dragon – “Too Bad”Dance Performance Female Solo: Jennie – “Like Jennie Vocal & Band Categories

Best Vocal Performance Solo: Rosé – “Toxic Till The End”

Best Vocal Performance Group: Davichi – “Stitching”

Best Band Performance: DAY6 – “Maybe Tomorrow”

Others

Best Collaboration: Rosé & Bruno Mars – “APT.”

Best OST: HUNTR/X – “Golden”

Best Music Video: Jennie – “Zen”

Popularity Awards

Fans’ Choice Male Top 10: Baekhyun, SEVENTEEN, Jin, ENHYPEN, G-Dragon, j-hope, NCT DREAM, RIIZE, Stray Kids, ZEROBASEONE

Fans’ Choice Female Top 10: Irene, IU, ILLIT, aespa, BABYMONSTER, Hearts2Hearts, i-dle, ITZY, LE SSERAFIM, TWICE

Special Awards

Inspiring Achievement: Super Junior

Breakthrough Artist: AllDay Project

Visa Super Stage Artist: TXT

Music Visionary of the Year: KPop Demon Hunters

Worldwide KCONer’s Choice: ZEROBASEONE

A Balancing Act of Celebration and Sympathy

Sa huli, naging makasaysayan ang 2025 MAMA Awards—hindi lamang dahil sa mga nagwaging artista, kundi dahil sa mensaheng ipinakita ng buong K-pop community: na sa panahon ng gulo at trahedya, maaaring magbigay ng liwanag ang musika, pakikipagkaisa, at malasakit.

Larawan: Mama Awards 2025