Diskurso PH
Translate the website into your language:

Carla Abellana engaged na sa dyowang doktor — tuloy kaya ang December wedding?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-02 12:34:23 Carla Abellana engaged na sa dyowang doktor — tuloy kaya ang December wedding?

Disyembre 2, 2025 – Showbiz Nation, humanda sa kilig at intriga—dahil isa na namang malaking rebelasyon ang ibinandera ni Carla Abellana sa kanyang Instagram: engaged na siya sa kanyang super low-key, super mysterious boyfriend na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa publiko!

 The Big Reveal. Sa kanyang latest post, ibinahagi ni Carla ang isang eleganteng photo ng kanyang kamay suot ang stunning engagement ring. Ang kamay niya ay hinahawakan ng kamay ng kanyang fiancé—pero syempre, no face reveal muna si mister. May tatlong white heart emojis ang caption, kasabay ang Bible verse na Jeremiah 29:11, patunay na ang puso ng Kapuso actress ay puno ng hope at gratitude.

Kahit walang salita ang photo, ramdam ng netizens at fans: ibang level ang glow ni Carla. After everything she’s been through publicly, she finally looks peaceful, content, and genuinely happy.

Sino ang fiancé? Doktor nga ba? Matagal nang chika na isang doktor ang bagong nobyo ni Carla, pero consistent ang aktres sa pagpili ng privacy. Kahit maraming curious at ilang fake info ang kumakalat online, never niyang ini-expose ang identity ng boyfriend. Pero ang fans, todo support sa choice niyang protektahan ang relationship nila.

 December 27, 2025 — kasalan na ba ito? Matatandaang sa isang nakaraang panayam, diretsahang tinanong si Carla kung totoo ang balita na may garden wedding sila ng kanyang doktor fiancé sa December 27, 2025. Hindi niya ito kinontra—at hindi rin niya dinepensahan nang bongga.

Instead, sagot niya ay puno ng positive energy: “Masaya ako. I finally moved into my dream house. Masaya ako kasama ang family ko. Nakakapag-date ako. So, masaya—sa work, sa private life.”

Hindi man niyang diretsong kinumpirma, pero hindi rin siya umiwas. Ika nga ng netizens: Kapag hindi dine-deny, may laman!

Dahil kasali ang pelikula nina Carla sa Metro Manila Film Festival 2025—Shake, Rattle & Roll: Evil Origins—may ilang nagtanong kung makaka-attend oras na wedding nga nila ang 27th.

Agad naman itong sinagot ni Carla: “Aba siyempre naman po! Bakit hindi? Kung totoo man o hindi, that's part of my private life.”

Very calm, very composed—at very Carla: sweet pero firm, private pero professional.

Mukhang kahit anong mangyari, hindi niya pababayaan ang commitment niya sa trabaho at sa personal life.

A New Carla: Learned, Private, Empowered.Inamin ng aktres na after ng mga pinagdaanan niyang super public issues, natutunan niyang piliin kung ano ang dapat i-share sa mundo. At sa mga ganitong pagkakataon, gusto niyang siya mismo ang magsabi kapag ready na siya.

“May choice naman po ako—kung ilalabas ko yun o hindi. Kung may dapat man akong sabihin, sa akin manggagaling nang diretso.”

This time, kita na mas pinoprotektahan niya ang kanyang peace, relationship, at future.

Engaged na si Carla—confirmed sa kanyang mismong post. Ang fiancé—very private, very protective, very low-key. December wedding? Posible! Malakas ang ebidensya, pero exclusive pa rin ang details.

And Carla? Sa wakas, nasa chapter siya ng buo, masaya, at payapa.

Congratulations, Carla! Sa true love, second chances, at bagong simula.