Diskurso PH
Translate the website into your language:

Jessi, nagbigay-reaksyon matapos gayahin ni Rufa Mae Quinto sa Your Face Sounds Familiar

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-02 19:52:36 Jessi, nagbigay-reaksyon matapos gayahin ni Rufa Mae Quinto sa Your Face Sounds Familiar

Disyembre 2, 2025 – Umabot na sa South Korean rapper at singer na si Jessi ang viral impersonation performance ng aktres at komedyana na si Rufa Mae Quinto sa ABS-CBN reality competition na Your Face Sounds Familiar. Ito ay matapos mag-trending ang pag-awit ni Rufa Mae ng hit track ni Jessi na “Zoom” sa isa sa pinakabagong episodes ng programa.

Sa TikTok video na ibinahagi ng ABS-CBN, makikita si Rufa Mae na kinakanta at ginagaya ang signature visuals at stage presence ni Jessi. Bagama’t kilala ang kompetisyon sa faithful transformations ng contestants, mabilis namang napansin ng publiko ang kakaibang atake ni Rufa Mae—mas comedic, mas exaggerated, at mas pasabog kaysa literal na impersonation.

Dahil dito, umani ng atensyon ang clip, hindi lamang mula sa Filipino viewers kundi maging mula kay Jessi mismo. Sa comment section ng TikTok post, nag-iwan ng maiksi ngunit malinaw na reaksiyon ang Korean star:

“What’s going on?” Dahil sa pahayag na iyon, lalo pang nag-init ang diskusyon sa social media, kung saan dagsa ang memes, humorous reactions, at mga papuri sa entertainment value ni Rufa Mae. Ilan sa mga komento ng netizens ay nagpapakita ng halong tuwa, pagkalito, at paghanga:

“Linggo-linggo na lang tayong tinatrantdo ni Rufa Mae.”

“Para siyang ice breaker ng show — guaranteed tawa.”

“Pati make-up crew, mukhang sumuko na sa pag-transform sa kanya.”

“HELP, akala ko si Mommy Oni ang ginagaya niya!”

“Nabawasan trabaho ng mentors, di naman niya sinusunod e.”

Sa kasalukuyang season ng Your Face Sounds Familiar, isa si Rufa Mae sa pinaka-nagiging usap-usapan ng audience dahil sa kaniyang distinct approach sa mga assignment ng programa. Hindi man eksakto ang impersonation, nagiging highlight ng bawat episode ang kanyang unique comedic timing at unpredictable delivery.

Bago pa ang kanyang Jessi impersonation, ginaya na rin ni Rufa Mae ang international artists na sina Cyndi Lauper at Miley Cyrus, maging ang OPM singers na sina Moira Dela Torre at Vice Ganda. Sa bawat performance, napapansin ng viewers na tila inuuna niya ang entertainment at personalidad kaysa eksaktong pagkopya ng mga artist—isang bagay na nagiging dahilan ng tuloy-tuloy na engagement online.

Patuloy na sinusubaybayan at pinaguusapan ang mga performance ni Rufa Mae, lalo na’t ginarantiyahan ng producers na mas maraming challenging transformations ang nakaabang sa mga susunod na linggo. Samantala, nananatiling tahimik si Jessi matapos ang kaniyang viral na komento, ngunit patuloy namang umaani ng reaksiyon ang kanilang ‘unexpected interaction’ sa social media.