Diskurso PH
Translate the website into your language:

Naglabas ng kanya kanyang saloobin, Official statements ng Abs-Cbn at Tv5 sa pagwawakas ng kanilang partnership

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-04 18:26:03 Naglabas ng kanya kanyang saloobin, Official statements ng Abs-Cbn at Tv5 sa pagwawakas ng kanilang partnership

Disyembre 4, 2025 – Ayon sa pinakahuling pahayag ng ABS-CBN Corporation, natanggap nito ang “notice of termination” ng kanilang TV Content Supply Agreement mula sa TV5 Network, Inc.. 

Sa opisyal na statement, sinabi ng ABS-CBN na “malalim ang pagdadalamhati” sa naging hakbang ng TV5 — lalo’t ito’y dumating sa “kritikal na yugto” ng kanilang pagsisikap na makabangon matapos mawalan ng broadcast franchise noong 2020. 

Nilinaw din ng ABS-CBN na bagama’t kinikilala nila ang obligasyon sa TV5, “disputed” ang halaga at pamamaraan ng hinihinging bayad. Wika ng network: “there is no truth to any insinuation that ABS-CBN willfully delayed payment.” 

Humiling naman ang ABS-CBN ng dagdag-panahon — sinasabing kasalukuyan silang nagsusumikap na ayusin ang usapin sa loob ng 30-araw na ibinigay ng TV5. 

Ano ang Ayon sa TV5

Batay sa ulat ng Bilyonaryo.com na natanggap ng media, iginiit ng TV5 na may putikang paglabag ang ABS-CBN sa kanilang nilagdaang Kasunduan — partikular sa umano’y “willful failure, despite repeated demands, to remit TV5’s rightful share of collected revenues.” 

Sinasabing nauabot sa ₱946.16 milyon ang hinihinging bayad — bilang bahagi ng kita na dapat ipinamahagi ng ABS-CBN. 

Idinagdag pa ng TV5 na ang mga “payment-plan discussions” ng ABS-CBN ay tila isang “ploy to delay,” at nagpadala ito ng pormal na demand letter bilang paghahabol ng obligasyon. 

Dahil dito, pormal nang ipinahayag ng TV5 ang pagwawakas ng kanilang kasunduan — epektibo simula Enero 2, 2026. 

Ano ang Ibig Sabihin Para sa Mga Manonood at Industriya

Ang naging pagtatapos ng partnership sa pagitan ng two leading networks ay maaaring magdulot ng pagbabago sa line-up ng mga palabas na dati’y nakikita sa free-to-air TV. 

Ayon sa ABS-CBN, kahit tuluyang masira ang ugnayan, patuloy nilang hahanapan ng paraan para makabalik sa mga manonood — gaya ng ginawa nila nang mawalan ng prangkisa. 

Sa kabilang banda, pwedeng magbukas ito ng tsansa para sa ibang network o plataporma na tanggapin ang mga palabas ng ABS-CBN — o kaya’y mas palakasin ng TV5 ang sarili nitong content lineup bilang kapalit ng nawalang partnership. 

Sa ngayon, pareho ang ABS-CBN at TV5 ay may kani-kanilang pahayag: ang ABS-CBN ay naninindigan na may karapatan silang lutasin ang usapin habang hinahanap ang makatarungang solusyon; samantalang ang TV5 ay naninindigan na mayroong malubhang paglabag sa kontrata