Gimik stars nag-reunite sa isang masayang Christmas party
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-06 14:56:44
Disyembre 6, 2025 – Nitong nakaraang linggo, muling nagkita-kita ang mga bida ng iconic ’90s youth-oriented show na Gimik sa isang espesyal na Christmas party na puno ng tawanan at kilig. Kasama sa reunion sina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Dominic Ochoa, Mylene Dizon, at Patrick Garcia. Hindi rin nakalimutang i-document ng mga cast ang highlights at ibahagi sa social media, na nagbigay ng nostalgia sa mga fans.
Isa sa pinaka-inaabangang bahagi ng pagtitipon ay ang exchange gift game. Bawat isa ay nagdala ng ilang identical gifts para sa barkada—mga simpleng gamit gaya ng lip balm, sunscreen, jars of salabat, toothbrush covers, hat clips, at pandesal. Sa una, medyo nag-alangan ang grupo sa pandesal na dala ni Marvin, pero laking gulat nila nang malaman nilang may twist ito: bawat pandesal ay may nakatagong mini “real” gift sa loob, mula sa cochinillo, ube cake, boneless lechon belly, at iba pa!
Natatawa at namangha ang mga netizens sa pagiging wais at creative ni Marvin:
Sa tinapay talaga ako ni Marvin tuwang-tuwa Bongga ang laman ng loob!”
Pero higit pa sa tawanan at pagkain, nagbahagi rin si Marvin ng heartfelt post tungkol sa kanilang matagal nang pagkakaibigan:
“Last night felt different. Masaya, maingay, magulo—pero malalim. Ang sarap balikan kung saan nagsimula lahat: mga kabwisitan namin noon, mga tampuhan, tawanan, kalokohan… at paano unti-unti itong naging maturity, understanding, and yes—love. Hindi ko madalas gamitin ang salitang pagmamahal, pero ’yon talaga ang naramdaman namin kagabi.”
Dagdag niya, ang kanilang pagkakaibigan ay hindi nabuo sa isang araw o linggo, kundi sa mahabang panahon ng pagtitiis, pag-unawa, at pagbibigay suporta sa isa’t isa. Para kay Marvin, ang reunion na ito ay paalala kung gaano kahalaga ang mga relasyon sa buhay:
“Walang tatalo sa pakiramdam na nasa paligid mo ang mga taong minahal mo… at patuloy kang minamahal pabalik. Nothing is more important than love and the relationships we choose to nurture.
Sumang-ayon si Jolina Magdangal, na tinawag ang Gimik barkada niyang “constant” sa kanyang buhay:
“Real friendship isn’t about relevance; it’s about the roots that hold even in winter. Sabi nga nila, you need true friends in a world full of passing seasons. Gimik barkada is my constant. #pangemergencygimik #gimik2025”
Masaya rin silang nagplano para sa susunod na reunion at party. Tinag ni Marvin ang iba pang cast members, kabilang sina Diether Ocampo, G. Toengi, Bojo Molina, Kaye Abad, Diego Castro III, at director Lauren Dyogi, para sa part 2 ng kanilang pagtitipon:
“Ang sayaaaaaa!!!???? Sana laging Pasko, tara na part 2 agad! New Years party edition naman!!! Game????”
Sumagot si Diego Castro III na excited rin:
“@marvinagustin Let's Go! Missed the last one… this time game na!”
Ang Gimik ay unang ipinalabas noong 1996 at tumagal hanggang 1999, na nagmarka sa puso ng kabataang Pilipino dahil sa relatable na kwento at barkadang puno ng tawanan at drama. Naging pelikula rin ito sa Gimik: The Reunion noong 1999, na muling nagtipon sa cast maliban kay Judy Ann Santos na gumawa lamang ng special appearance. Hindi rin makakalimutan ang alaala ng late actor Rico Yan, na bahagi ng original ensemble.
Ang muling pagkikita ng barkada ay nagpapaalala na sa kabila ng panahon at pagbabago, ang tunay na pagkakaibigan ay nananatiling matibay—at ang tawanan, pagmamahal, at suporta sa isa’t isa ay hindi kailanman nawawala.
Larawan: Marvin Agustin Instagram
