Maxene Magalona, apat na taong lumayo sa ina para sa healing: 'I had to take a healthy distance'
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-07 19:07:45
Disyembre 7, 2025 – Naging bukas si Maxene Magalona tungkol sa apat na taong paglayo niya sa ina niyang si Pia Magalona bilang bahagi ng kanyang personal healing journey.
Sa panayam niya kay Karen Davila para sa latest vlog nito, sinabi ni Maxene na mas maayos na ngayon ang relasyon nilang mag-ina—pero inamin niyang dumaan sila sa matinding proseso bago makarating sa puntong ito.
Ayon sa aktres, sinunod niya ang payo ng kanyang psychiatrist na pansamantala munang umiwas sa mga taong hindi pa niya kayang makasalamuha nang maayos—kabilang na ang kanyang sariling ina.
“Maganda na ngayon ang relationship namin… pero most people know I had to take a healthy distance from her for almost four years. I did not speak to her for a while, following the advice of my psychiatrist,” pahayag ni Maxene.
“Hindi niya kasalanan”
Ikinuwento rin ni Maxene na malinaw ang paliwanag ng kanyang psychiatrist—hindi si Pia ang may mali, ngunit kailangan niya ang espasyo para maunawaan ang sarili at tuluyang gumaling.
“My psychiatrist was the one who said it’s not your mom’s fault. If I want to heal, I have to take a healthy distance from the people that I am not okay with yet,” sabi niya.
Intensyon ng ina, hindi sapat sa kanyang paglaki
Aminado ang aktres na puno ng pagmamahal ang intensyon ng kanyang ina, ngunit hindi nito natutugunan ang uri ng approach na kailangan niya para makapag-grow.
“She had all the best intentions, pero hindi ‘yun ang approach na kailangan ko to grow,” sabi ni Maxene, sabay lahad na maging ang kanyang ina ay natutong magbigay ng space.
Aniya, dumating sa punto na mismong si Pia ang nagsabing kailangan niyang “bitawan” ang anak para sa ikabubuti nito.
Pag-amin sa clinginess ng magulang
Dagdag ni Maxene, may mga magulang talagang kumakapit nang husto sa kanilang mga anak lalo na kapag lumalaki na ang mga ito at nagsisimulang magkaroon ng sariling buhay.
“Some parents turn to their children so they have this sense of purpose… pero kapag lumalaki ang anak, parang nawawala ‘yun. Kaya they try to hold on,” paliwanag niya.
Ngayon daw ay nakikita na niya ang effort ng kanyang ina na baguhin ang dynamics ng kanilang relasyon.
Pagdarasal para sa isa’t isa kahit may distansya
Kahit magkahiwalay, sinabi ni Maxene na hindi nawala ang pagmamahal at pagdarasal nila para sa isa’t isa.
“When we were not together, I was praying for her — and she said she was doing the same for me,” sabi ng aktres.
Tinawag din ni Maxene na “healthy” ang pagkuha ng pahinga mula sa pamilya kung kinakailangan, basta’t hindi mawawala ang respeto at pagmamahal.
“Turn worry into prayer”
Sa pagtatapos ng panayam, ibinahagi ni Maxene ang natutunan nilang mag-ina: ang pag-aalala ay nakakapagdala ng negatibong enerhiya — kaya mas mainam na ipagdasal ang mga mahal natin sa buhay.
“Do not worry. Turn your worry into prayer… when you think the best of your family, you’re sending positive energy,” pagtatapos niya.
