Diskurso PH
Translate the website into your language:

Meghan Markle, nakipag-ugnayan na sa ama matapos ma-amputate sa Cebu

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-07 20:48:58 Meghan Markle, nakipag-ugnayan na sa ama matapos ma-amputate sa Cebu

Disyembre 7, 2025 – Nagpadala na ng mensahe si Meghan Markle sa kanyang ama na si Thomas Markle matapos itong sumailalim sa emergency amputation habang naka-base sa Cebu.

Kinumpirma ng spokesperson ng Duchess of Sussex na personal na nakipag-reach out si Meghan sa kanyang estranged father matapos ang biglaang operasyon.

Si Thomas, na matagal nang naninirahan sa Cebu kasama ang anak niyang si Thomas Jr., ay dinala sa ospital noong December 2 matapos mamaga at umitim ang kaliwang paa—isang senyales ng malalang kondisyon na nagpilit sa mga doktor na agad putulin ito below the knee upang mailigtas ang kanyang buhay.

Ayon kay Thomas Jr., mabilis ang naging paglala ng kondisyon:

“Nag-blue hanggang naging itim ’yung paa. Wala nang ibang option. Life or death na talaga.”

Sa ngayon, nananatili sa Intensive Care Unit (ICU) si Thomas at inaabangan ang isa pang procedure para tanggalin ang blood clot na natuklasan ng mga doktor.

Matagal nang may lamat ang relasyon ng mag-ama, lalo na mula noong kasal ni Meghan kay Prince Harry noong 2018, kaya’t naging malaking balita ang pag-abot ng aktres sa kanyang ama ngayong panahon ng krisis.

Noong Mayo, lumipat sa Cebu si Thomas para manirahan kasama si Thomas Jr., na ngayon ay nasa tabi niya sa ospital habang inaasikaso ang recovery nito.

Habang nagpapatuloy ang tensyon sa pamilya sa mata ng publiko, marami ang umaasang maging daan ang pangyayaring ito para sa posibleng paghilom ng samahan ni Meghan atng kanyang ama.