Diskurso PH
Translate the website into your language:

James Charles, napa-react sa viral 'Maui Wowie' trend ni Darren Espanto: 'I NEED TO SING WITH YOU!'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-10 22:18:22 James Charles, napa-react sa viral 'Maui Wowie' trend ni Darren Espanto: 'I NEED TO SING WITH YOU!'

Disyembre 10, 2025 – Kung uso ang trend, syempre hindi magpapahuli si Darren Espanto — at pati si James Charles, napa-“join” na rin!

Matapos muling sumabog online ang viral “Maui Wowie” performance ni Darren, nag-decide ang singer na i-recreate ito sa TikTok. Ito ang parehong rendition ng Kid Cudi classic na unang nag-trending nang kantahin niya sa “ASAP,” at hanggang ngayon ay hindi pa rin tinitigilan ng netizens.

Sa caption pa lang, game na game si Darren:

“Ah gusto niyo ah HAHAHA Sasali na ako sa ginawa niyong trend! #DarrenEspanto #MauiWowie”

In just a few days, naka-9 million views agad ang video — at umabot na ito sa American beauty creator na si James Charles, na matagal nang nire-reference ng netizens dahil halos hawig raw ang boses nila kapag kumakanta.

Nang makita ang video ni Darren, napa-comment agad si James:

“I NEED TO SING WITH YOU.”

At hindi doon natapos — gumawa rin ng sarili niyang version si James, sabay caption na ikina-shookt ng lahat:

“Genuinely cannot believe this isn’t my voice @Darren Espanto.”

Syempre, hindi pa nagkakaroon ng opisyal na collab ang dalawa, pero todo-asa ang mga fans na mangyari ito. Imagine Darren x James sa isang “Maui Wowie” duet? Viral na agad bago pa mag-record!

Hindi lang sila ang sumabak sa trend. Naki-join na rin sina Anne Curtis, Niana Guerrero, Kyle Echarri, Jason Dy, at marami pang iba — making “Maui Wowie” the certified wholesome trend of the week.

Habang hinihintay pa ng internet ang potential collab, tuloy lang sa pag-ikot ang trend at hindi pa rin bumababa ang hype.