Diskurso PH
Translate the website into your language:

Miss Universe Walkout Queen? Fatima Bosch, nag-walkout sa TV interview ng Telemundo

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-10 22:25:07 Miss Universe Walkout Queen? Fatima Bosch, nag-walkout sa TV interview ng Telemundo

Disyembre 10, 2025 – Nagiging mas kontrobersyal kada araw si Miss Universe 2025 Fatima Bosch ng Mexico matapos umano itong mag-walkout sa isang live TV interview sa Telemundo nang hindi nito nagustuhan ang linya ng mga tanong para sa kanya.

Ayon sa ulat ng Pica Y Se Extiende—ang programa na kanyang dinaluhan noong Linggo, Disyembre 7, 2025—bigla umanong tumayo at umalis si Fatima habang nasa gitna pa ng guesting kasama ang hosts na sina Lourdes Stephen at Carlos Adyan.

Base sa production staff ng show, hindi tinapos ni Fatima ang programa dahil nainis ito nang tanungin tungkol sa dalawang mainit na isyung kinasasangkutan niya:

Ang criminal case na isinampa laban sa kanya ni Miss Universe Thailand National Director Nawat Itsaragrisil; at

Ang frozen bank accounts ng Miss Universe Organization President Raul Rocha.

Ayon sa camp ni Fatima, hindi raw “respectful” ang mga tanong at pakiramdam niya ay pinupuruhan siya sa gitna ng kontrobersiya.

Dahil dito, agad niyang isinauli ang mga outfit na ihahanda para sa lineup ng TV appearances at nag-Uber na lang palabas ng studio sa halip na gamitin ang sasakyang inihanda ng Telemundo—isang ikinagulantang ng production.

Kinansela na rin ng beauty queen ang iba pang nakatakdang guestings para sana sa selebrasyon ng kanyang pagkapanalo sa 74th Miss Universe.

TELEMUNDO HOST: “IF YOU’RE BOTHERED, IT’S FOR A REASON”

Diretsahan namang nagbigay komento si host Carlos Adyan tungkol sa umano'y pag-walkout ni Fatima.

Aniya, wala silang binitawang tanong na tsismis lamang—lahat daw ay batay sa opisyal na pahayag ng Miss Universe Organization at sa mga dokumentong lumalabas tungkol sa mga kasong kinasasangkutan ni Rocha at ni Bosch.

 “If you are bothered by those kinds of questions, it is for a reason,” sabi pa ni Adyan.

“Fatima was not going to be an exception. But there is a real lack of transparency in the pageant right now.”

Iginiit din niyang anim na taon na niyang kino-cover ang Miss Universe at sinuportahan daw niya ang lahat ng queens—kasama na sana si Fatima kung hindi lang ito umalis nang walang pasabi.

Noong Nobyembre 4, 2025 pa lamang, nag-walkout na si Fatima sa Sashing Ceremony sa Bangkok matapos kumprontahin ni Nawat ang kanyang umano’y hindi pakikiisa sa promotional activities para sa pageant. Kasama pa niyang nag-walkout noon si Miss Universe 2024 Victoria Kjær Theilvig at ilang kandidata.

Naayos lang ito nang manghimasok si Raul Rocha at nang humingi ng paumanhin si Nawat.

Pero matapos lamang ang 12 araw mula nang koronahan si Fatima, muling sumabog ang issue nang kumpirmahing sinampahan siya ni Nawat ng criminal case dahil sa umano’y paulit-ulit na nakasisirang-puring pahayag laban sa Thai businessman.

Lumalaki ang pangamba ng pageant fans at ilang pageant analysts na posibleng maapektuhan ang unang mga linggo ng reign ni Fatima—o mas malala pa, ang kanyang corona—kung hindi maaayos ang ilang insidente ng pag-walkout at pag-refuse makipag-engage sa media.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang Miss Universe Organization tungkol sa nangyaring walkout sa Telemundo, pero inaabangan ng pageant community ang magiging hakbang nila lalo na’t patuloy ang pag-init ng kontrobersiya.