Diskurso PH
Translate the website into your language:

Batang Quiapo, mapapanood na rin sa GMA?!

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-13 23:22:00 Batang Quiapo, mapapanood na rin sa GMA?!

Disyembre 13, 2025 – Usap-usapan ngayon sa showbiz circles ang biglang paglabas ng isang intriguing billboard sa mismong GMA Network building—at mas lalong uminit ang chika dahil kasama rito ang ilang programang ABS-CBN, kabilang ang Batang Quiapo!

Nagsimula ang lahat matapos maglabas ng press release ang GMA Network kaugnay sa pag-stream ng ilan nilang Kapuso shows sa iWantTV, ang kilalang streaming platform ng ABS-CBN na malakas lalo na sa mga Pinoy sa abroad. Inanunsiyo rin na mapapanood na ang GMA Pinoy Bundle sa iWant, bilang selebrasyon ng Month of Overseas Filipinos at 20 years ng GMA Pinoy TV.

Ayon sa pahayag ng Kapuso network, layon nitong ipaalala sa mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo na “home is just a stream away.” Kasama sa GMA Pinoy Bundle ang mga patok na programa tulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho, Encantadia Chronicles: Sang’gre, Bubble Gang, Family Feud, Tadhana, Fast Talk with Boy Abunda, Unang Hirit, at 24 Oras.

Pero ang mas ikinagulat ng marami—sa naturang billboard na nakapaskil sa GMA building, mas nangingibabaw pa ang ABS-CBN shows! Nandoon ang Batang Quiapo, It’s Showtime, ang pelikulang Ghosting nina Fyang Smith at JM Ibarra, AFAM Wives, at maging ang BINI World Tour. Sa Kapuso side, Sang’gre lang ang makikitang palabas, bukod pa sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab.

Dahil dito, hindi maiwasang magtanong ang netizens at mga taga-industriya:

Lilipat na ba sa GMA ang Batang Quiapo?

Ayon sa mga bulung-bulungan, mananatili pa rin daw sa primetime ng GMA ang Sang’gre at wala pang planong alisin ito sa ere. Samantala, may tsika naman na hanggang January 2026 na lang umano ang Batang Quiapo, bagama’t tuluy-tuloy pa rin ang taping at wala pang opisyal na pahayag kung kailan ito magtatapos.

May balita rin na nagkaroon na naman daw ng meeting ang ABS-CBN at TV5, kaya posible pa ring magpatuloy ang partnership nila. Pero ayon sa aming source, ia-announce na raw ng TV5 na simula January ay ilalagay nila sa primetime ang “A Secret in Prague” na pagbibidahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.

Sa dami ng galawang ito sa likod ng kamera, isang bagay lang ang sigurado—marami pang pasabog ang paparating sa mundo ng telebisyon!

Larawan: AbsCbn