KATSEYE, nanguna sa TikTok Top Global Artists of 2025—kasama sina Taylor Swift, Bad Bunny, at K-pop powerhouses sa listahan
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-13 21:35:36
Disyembre 13, 2025 – Walang duda na KATSEYE ang pinaka-maingay na pangalan sa TikTok ngayong 2025 matapos silang hiranging Top Global Artist of the Year ng platform. Ayon sa TikTok, umabot sa mahigit 30 bilyong views ang content na may kinalaman sa grupo, habang higit 12 milyong videos ang ginawa ng fans gamit ang kanilang mga kanta—isang record na bihirang pantayan.
Pero hindi lang KATSEYE ang naghari ngayong taon. Ibinunyag din ng TikTok ang Top 10 Global Artists of 2025, na kinabibilangan ng ilan sa pinakamalalaking pangalan sa music industry:
1. KATSEYE
2. Alan Arrieta
3. ENHYPEN
4. Bad Bunny
5. Stray Kids
6. Taylor Swift
7. Lady Gaga
8. Fuerza Regida
9. Billie Eilish
10. Ariana Grande
Kapansin-pansin ang malakas na presensya ng K-pop acts tulad ng ENHYPEN at Stray Kids, habang nananatiling TikTok royalty naman sina Taylor Swift, Billie Eilish, at Ariana Grande. Hindi rin nagpahuli ang Latin music sa pamamayagpag nina Bad Bunny at Fuerza Regida—patunay na tunay na global ang impluwensya ng TikTok pagdating sa music trends.
Samantala, balik tayo sa reigning queens: ang kantang “Gnarly” ng KATSEYE ay nagpasabog ng 2.4 million TikTok creations at 13.5 billion views, habang ang “Gabriela” naman ay naging dance craze sa iba’t ibang panig ng mundo na may 2.8 million videos at 9.9 billion views. Dagdag pa ang kanilang viral Gap collaboration na umabot na sa 151 million views, dahilan para lalo silang kilalanin bilang fashion at culture icons.
Hindi rin matatawaran ang emosyon ng grupo matapos ang kanilang panalo at Grammy nominations para sa 2026. Mula sa debut nila noong 2024 hanggang sa pagiging TikTok global leaders ngayon, malinaw na ang KATSEYE ay hindi lang basta trend—sila ang mismong gumagawa ng trends.
Sa dami ng awards, views, at viral moments, isang bagay ang sigurado: ang TikTok ng 2025 ay mundo ng KATSEYE—at lahat tayo ay nakiki-sabay lang sa sayaw.
Larawan: Katseye Tiktok
