Kathryn Bernardo, Daniel Padilla nagkrus ang landas sa Zanjoe-Ria wedding; Kaila Estrada kasama ni Daniel
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-23 23:43:36
Nagkita muli sa iisang event ang dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla—ito ay sa church wedding nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde nitong Martes, December 23, 2025.
Agad itong naging usap-usapan sa social media matapos kumalat ang ilang video mula sa loob ng simbahan.
Walang batian?
Sa mga kuhang video, makikitang magkalapit ang upuan nina Kathryn at Daniel. Nasa likuran lamang ni Daniel ang aktres.
Gayunman, wala umanong nakapansing nagkaroon ng pagbati o anumang interaksiyon sa pagitan ng dalawa. Sa halip, kapwa sila nakatuon sa seremonya at sa newlyweds. Nakunan si Daniel na pumapalakpak kasama ng ibang bisita matapos ang isang bahagi ng programa.
Hindi malinaw kung nagkaroon pa ng pagkakataong mag-usap ang dating magkasintahan sa loob ng simbahan.
Daniel at Kaila, magkasamang dumating at umalis
Sa kabilang banda, kapansin-pansin ang presensya ni Kaila Estrada, na siyang kasama ni Daniel sa kasal.
Nakunan ng camera ang dalawa na magkasamang lumabas ng simbahan at sumakay sa iisang sasakyan patungo sa wedding reception.
Sa reception, nakita rin sina Daniel at Kaila na magkaangkla ang mga braso habang naglalakad—isang eksenang agad pinansin ng netizens at itinuturing ng ilan bilang patunay ng pagiging malapit ng dalawa.
Matatandaang kamakailan lang ay naispatan din sina Daniel at Kaila na magkasama sa isang IV of Spades concert, kung saan inilarawan silang low-key sweet sa isa’t isa.
Kathryn, solo
Samantala, si Kathryn ay nakitang mag-isang dumating sa simbahan batay sa hiwalay na video na kumalat online.
Nanatiling tahimik ang aktres at wala pa ring pahayag hinggil sa estado ng kanyang personal na buhay.
Balik-tanaw sa hiwalayan ng KathNiel
Inanunsiyo nina Kathryn at Daniel ang kanilang breakup noong November 30, 2023, matapos ang halos isang dekadang relasyon.
Nang sumunod na buwan, iniulat ng PEP.ph ang pagkakadawit ni Andrea Brillantes sa kanilang paghihiwalay.
Bagama’t sinubukan pa nilang manatiling civil at nagkasama pa sa ilang events noong December 2023, nagbago ang sitwasyon noong January 2024 nang mag-unfollow si Kathryn kay Daniel sa Instagram—na ikinabigla ng marami.
Magkahiwalay na direksiyon
Habang patuloy ang pag-uugnay kay Daniel kay Kaila, si Kathryn naman ay ilang beses nang naiugnay sa iba’t ibang personalidad, kabilang ang mga kilalang artista at isang pulitiko. Gayunman, wala pang kumpirmasyon mula sa aktres.
Sa kabila ng kanilang tahimik na pagkikita sa nasabing kasal, malinaw na magkahiwalay na ang tinatahak na landas nina Kathryn at Daniel.
Larawan: Tiktok
