Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ahtisa Manalo, umaming umasa sa korona ng Miss Universe 2025: 'It was between me and Côte d’Ivoire!'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-12-24 22:06:24 Ahtisa Manalo, umaming umasa sa korona ng Miss Universe 2025: 'It was between me and Côte d’Ivoire!'

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo—aminado siyang buo ang loob at pag-asang maiuuwi niya ang korona sa nagdaang Miss Universe 2025!

Sa kanyang tell-all interview kay Vice Ganda, na mapapanood sa YouTube vlog ng Unkabogable Star, ibinahagi ni Ahtisa ang kanyang tunay na naramdaman sa mismong gabi ng coronation night—at oo, umabot talaga siya sa puntong akala niya, siya na ang panalo.

Ayon kay Ahtisa, habang nagaganap ang Q&A portion, doon niya naramdaman na malakas ang tsansa niya laban sa iba pang kandidata.

“I was hoping that I would win. I thought it was between me and Côte d’Ivoire during that night because I was able to hear everyone’s answers,” ani Ahtisa.

Sa naturang gabi, sinabi rin niyang kahit normal na nakatuon lang siya sa sarili niyang performance, hindi maiwasan na makinig sa sagot ng iba—lalo na’t Q&A na ang labanan.

“When you’re there, you focus on yourself. Pero ‘pag Q&A na, wala ka nang magagawa kundi makinig. So I really thought it was between me and Côte d’Ivoire,” dagdag pa niya.

Olivia Yacé, inakalang pinakamahigpit na kalaban

Ayon pa kay Ahtisa, ang itinuring niyang pinakamalakas na katapat niya sa titulo ay walang iba kundi ang pambato ng Côte d’Ivoire na si Olivia Yacé—na isa rin sa mga paborito ng maraming pageant fans sa buong mundo.

Hindi rin naman maikakaila na malakas ang presence at confidence ng dalawang kandidata sa buong kompetisyon, dahilan para umasa ang maraming Pilipino na ika-limang Miss Universe crown na ang susunod na uuwi sa bansa matapos ang makasaysayang panalo ni Catriona Gray noong 2018.

Kaya naman nang ianunsyo ang resulta, maraming Pinoy pageant fans ang nadismaya at nanlumo, lalo na’t ramdam ng lahat ang lakas ng performance ni Ahtisa mula preliminaries hanggang finals night.

Sa huli, ang itinanghal na Miss Universe 2025 ay ang pambato ng Mexico na si Fatima Bosch.

Kahit hindi man nasungkit ang pinakamimithing titulo, marami pa rin ang nagsasabing panalo pa rin si Ahtisa Manalo—sa puso ng mga Pilipino at sa respeto ng international pageant community.

Sa huli, ipinakita ni Ahtisa ang grace, honesty, at tapang na bihirang marinig mula sa isang beauty queen—isang patunay na minsan, kahit hindi ikaw ang may korona, ikaw pa rin ang reyna sa mata ng marami.