Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Nilabas na?’ Marco Gumabao at Yukii Takahashi, usap-usapan matapos ang sweet IG post

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-02 21:46:11 ‘Nilabas na?’ Marco Gumabao at Yukii Takahashi, usap-usapan matapos ang sweet IG post

Umani ng atensyon sa social media ang aktor na si Marco Gumabao at aktres na si Yukii Takahashi matapos magbahagi ang huli ng serye ng holiday photos sa Instagram noong Biyernes, Enero 1.

Sa nasabing post, makikita sa isa sa mga larawan si Yukii na kasama si Marco, na agad namang naging sentro ng espekulasyon ng mga netizen. Nilagyan lamang ni Yukii ng caption na “Holiday recap” ang naturang post.

Kapansin-pansin din ang naging komento ni Marco sa post, na lalong nagpaigting sa hinala ng publiko hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Dahil dito, bumuhos ang samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen, kabilang ang mga komento na nagsasabing tila “hard launch” na umano ang dalawa, habang may ilan ding nagpahayag ng suporta at pag-aalala.

Sa kabila ng mga espekulasyon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag sina Marco at Yukii upang kumpirmahin o itanggi ang mga lumulutang na tsismis.

Matatandaang noong Agosto 2024 ay nagsimulang umugong ang balitang hiwalay na si Marco at ang aktres na si Cristine Reyes. Noong Abril 2025, napansin ding nag-unfollowan ang dalawa sa Instagram, na lalo pang nagpatibay sa haka-haka ng kanilang paghihiwalay.

Noong Hunyo 2025 naman, naispatan si Marco na magkasama sa isang restaurant ang aktres na si Barbie Imperial, na naging paksa rin ng usap-usapan noong panahong iyon.

Sa kasalukuyan, nananatiling bukas sa interpretasyon ng publiko ang tunay na relasyon nina Marco Gumabao at Yukii Takahashi habang wala pang malinaw na pahayag mula sa dalawang panig.

Larawan: Yukii Takahashi (IG)