Piloto at content creators na sina Chezka Carandang at Claire Inso, break na matapos ang 8 taon
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-03 21:10:07
Hiwalay na ang Content creators at piloto na sina Chezka Carandang at Claire Inso ay opisyal nang nagkahiwalay at tuluyang kinansela ang kanilang engagement matapos ang walong taong relasyon.
Sa huling araw ng 2025, ibinahagi ni Chezka sa Instagram ang balita sa pamamagitan ng isang emosyonal na montage ng kanilang mga travel memories, na may saliw ng kantang Fix You. Dito, inilahad niya ang pananaw tungkol sa pagtatapos bilang bahagi ng paglago—na hindi raw kabiguan ang magtapos kung minsan ay ito pa ang tanda ng pagmamahal at pagrespeto sa landas ng isa’t isa.
Kinumpirma rin ni Chezka na hindi na itutuloy ang kanilang engagement at iginiit na mutual ang naging desisyon. Humiling siya ng privacy habang pareho silang magpapatuloy sa kani-kanilang personal na journeys, kasabay ng pasasalamat sa mga tagasuportang patuloy na nagbigay ng pagmamahal sa kanila sa mga nakaraang taon.
Umani agad ng reaksiyon ang anunsiyo mula sa fans at kaibigan sa showbiz. Kabilang sa nagpaabot ng pagkagulat at simpatya si Barbie Imperial, habang marami ring netizen ang pumuri sa mahinahong paraan ng pag-anunsiyo at pagprotekta ni Chezka sa pribadong buhay ni Claire.
Sa sumunod na post, mas naging personal si Chezka nang magbahagi ng video ng kanyang pag-iyak matapos ang kanilang paghihiwalay. Ibinahagi niya ang bigat ng pagpiling lumayo kahit may pagmamahal pa—isang desisyong masakit ngunit piniling gawin para sa ikabubuti ng bawat isa.
Parehong dating beauty queens ang dalawa bago pumasok sa aviation at content creation. Si Chezka ay commercial pilot at kinilala bilang Woman of Influence para sa kanyang adbokasiya at impluwensiya sa isang male-dominated na industriya, habang si Claire naman ay private pilot at model. Bago ang hiwalayan, hinangaan sila ng fans sa pagbabahagi ng kanilang buhay bilang magkasintahan at propesyonal sa aviation.
Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2017 at naging engaged noong Agosto 2024 sa isang biyahe sa Tanzania. Sa ngayon, wala pang hiwalay na pahayag si Claire hinggil sa kanilang paghihiwalay.
