John Feir napaaga ng 2 buwan sa kasal ni Mikoy Morales, maling wedding ang nadaluhan!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-04 22:33:41
Maling kasal ang napuntahan ng Kapuso comedian na John Feir matapos siyang napaaga ng dalawang buwan sa simbahan para sana sa wedding nina Mikoy Morales at fiancée nitong si Isa Garcia.
Ayon kay Mikoy, talagang gulat na gulat siya nang malaman na um-attend si John sa simbahan na akala nito’y venue na ng kanilang kasal. Sa Facebook, ibinahagi ni Mikoy ang litrato ni John na naka-barong sa loob ng simbahan na may pabirong caption:
“Kung sinuman ang kinasal kaninang 4 p.m. sa Don Bosco, Makati—baka puwedeng makahingi ng kopya ng SDE. Andun po si John Feir, siya lang ang naka-barong.”
Ibinunyag ni Mikoy na ang totoong kasal ay sa Marso pa, ngunit tila napaaga ang basa ni John sa RSVP details ng invitation. Dahil dito, dumiretso raw ang komedyante sa simbahan na handang-handa, hindi alam na maling event pala ang kanyang napuntahan.
Mas lalong naging nakakatawa ang eksena nang ikuwento ni Mikoy na lahat ng bisita ay naka-suit, habang si John lang ang naka-barong—kaya naman napagitna pa raw ito sa kuha at ginandahan pa ang anggulo ng photo at video!
Para makasiguro, tinawagan pa umano ni John ang kapwa nila Pepito Manaloto co-star na Chariz Solomon. Doon na raw niya nakumpirma na maling kasal ang kanyang nadaluhan at hindi niya kilala ang groom.
“Confirmed: na-Patrick siya in real life,” biro ni Mikoy—patungkol sa karakter ni John sa Pepito Manaloto na kilalang mahilig sa hotdog.
Sa huli, pabirong pasasalamat pa ni Mikoy,
“Advance thank you sa pagpunta, Kuya John! I-kain mo na lang ‘yan ng hotdog!”
Lesson learned: basahin mabuti ang invitation—pero kung si John Feir ang guest, sure na may instant aliw!
Larawan: Mikoy Morales Facebook
