‘New Year, New Boyfriend Reveal! Hard launch ni Andrea Brillantes sa kanyang social media account, pinag usapan
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-05 19:04:34
So eto na nga… lantaran na ba o assuming lang ang lahat? Pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga sweet photos nina Andrea Brillantes at basketball player na si Franchesko Juan Capistrano, kuha sa 2026 New Year’s countdown sa Bonifacio Global City.
Tanong ng bayan: Kung hindi kayo, bakit parang kayo?
Magkadikit ang pisngi, parehong super smile, fireworks sa likod—tapos walang caption pero may kantang “I Love You Secretly” sa background. Coincidence ba ‘yan… o may mensahe talaga?
At eto pa—normal ba na isama ka sa family photos kung “friends” lang kayo?
Dahil nag-post si Pankie ng mga litrato nila ni Andrea kasama ang kanyang pamilya habang sinasalubong ang Bagong Taon, na may caption pang “Happy New Year!!”
So mga mare, kailan pa naging ganito ka-close ang “wala lang”?
Dagdag tanong pa: Bakit parang laging present si Andrea sa buhay ni Pankie?
Nauna nang mapansin ng netizens na magkasama rin silang nag-Pasko, at spotted si Andrea sa ilang family gatherings ng Capistrano clan sa Lucban, Quezon. Hindi ba kapag ganyan, may label na… kahit tahimik lang?
Kung babalikan, hindi rin ito ang unang basketball player na na-link kay Andrea.
May Sam Fernandez noon—na parang mabilis ding nawala sa eksena.
At siyempre, hindi mawawala sa usapan ang ex niyang si Ricci Rivero na nauwi sa kontrobersyal na hiwalayan.
Ngayon ang tanong: Mas tahimik ba, mas mature, mas totoo?
Dahil kung titignan, wala mang official confirmation, ang daming resibo—at alam naman natin, sa panahon ngayon, minsan mas malakas pa ang Instagram Story kaysa press release.
So kayo, anong palagay n’yo?
Soft launch lang ba ito bago ang big reveal?
O obvious na, ayaw lang talagang magsalita?
O mas okay na bang hayaan muna silang maging masaya—kahit walang label?
Marites mode on: Kung hindi pa ito relasyon, eh ano ‘to?
