Janine Berdin, umalma sa mga basher: “Hindi na raw ako ‘yan’?
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-09 12:41:04
Ay naku mga besh, kumulo na naman ang comment section at si Janine Berdin ang latest na pinagpyestahan. Ang peg ng ilang netizens? “Wala na raw trace ng dating Janine sa mukha niya.” Pero hindi nagpatalo ang singer—may resibo, may paliwanag, at may konting asim
Sa Facebook, diretsahan ang banat ni Janine: 15 years old pa lang siya nung una siyang makita sa TV, 16 nung nanalo siya sa Tawag ng Tanghalan, at hello??? 23 na siya ngayon. So ang tanong: ine-expect ba ng bashers na forever siyang mukhang teen?
Nilinaw din ni ate girl ang usap-usapang retoke. Ilong lang daw ang pinaayos niya—walang package deal, walang secret menu. Choice niya ‘yon, afford niya, at gusto niya. Plus factor pa raw ang makeup, kaya sa mga nagtataka, handa pa siyang magturo. “Para hindi na kayo mainggit,” ganern!
Pero wait, may mas maanghang pa. Ayon kay Janine, ang mga taong secure, masaya, at confident—walang time mang-bash. Kaya kung affected na affected ka raw sa itsura ng iba… hmm, baka may pinanggagalingan?
Sa huli, may pa-real talk si singer: gawin mo ang mga pagbabago para sa sarili mo. Kulayan ang buhok, magpalit ng style, mag-wig, mag-glow up—walang pakialamanan. Buhay mo ‘yan, ikaw lang ang sasakay sa kabaong mo (uy pero true ).
At ang pinaka-mic drop moment?
“‘You’ve changed.’ Isn’t that the point of not being 16 anymore?”
So mga ka-chika, kayo na ang sumagot: bisyo bang mag-evolve, o bitter lang talaga ang ilan?
