Michelle Dee ‘taken’ na! Pero sino nga ba ang tunay na may hawak ng puso niya?
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-10 21:31:09
Mukhang may nagwagi na sa puso ng beauty queen-actress na si Michelle Dee—pero teka, sino siya? lalaki ba o babae? o isang relasyong ayaw munang pangalanan?
Sa chikahan nila ng fellow beauty queen na si Kylie Verzosa sa podcast na Almost Honest, diretsahang inamin ni Michelle na “off the market” na siya—kahit pa technically single sa papel.
“I’m taken, too… I’m technically single, but my heart is taken.”
Ay oo nga naman—single sa status pero may nagmamay-ari na ng emosyon? Ibig bang sabihin nito ay may special someone na pero hindi pa ready sa label? O baka naman may balikan na namamagitan?
Mas lalo pang naging intriguing nang sabihin ni Michelle na sa oras na lumabas ang podcast, baka hindi na raw siya single.
Hello? Soft launch na ba ‘yan ng bagong relasyon?
Babae ba? Lalaki ba? O higit pa roon?
Hindi rin pinalampas ni Michelle ang usapin tungkol sa kanyang sexuality. Nilinaw niyang hindi “phase” ang pagkagusto sa kapwa-babae at hindi rin ito nangangahulugang kailangang maging masculine.
“You can be into women and still look like Kendall Jenner.”
So ang tanong ng bayan:
May koneksyon ba ang pagiging ‘taken’ niya ngayon sa dating niyang pahayag na bisexual siya?
Mas pinili ba niya ang compatibility kaysa sa gender?
May kinalaman kaya ito sa isang non-showbiz personality? O isang kilalang pangalan rin?
Ayon pa kay Michelle, wala na siyang standard kung lalaki o babae ang susunod—ang mahalaga ay ang emosyon at sustainability ng relasyon.
Tahimik sa mas mabigat na isyu
Samantala, nananatiling tikom ang bibig ni Michelle pagdating sa kontrobersyal na alegasyon ng pisikal na pananakit na isinampa ng kanyang ina na si Melanie Marquez laban sa Amerikanong asawa nitong si Randy “Adam” Lawyer.
May koneksyon kaya ang katahimikang ito sa estado ng kanyang personal na buhay ngayon?
So… sino nga ba talaga?
