Diskurso PH
Translate the website into your language:

Rampa na! ‘Drag Race Philippines’ Season 4, bukas na ang casting—ikaw na ba ang susunod na reyna?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-10 21:47:48 Rampa na! ‘Drag Race Philippines’ Season 4, bukas na ang casting—ikaw na ba ang susunod na reyna?

Mga accla, handa na ba kayong i-unleash ang charisma, uniqueness, nerve, at talent n’yo? Dahil opisyal nang binuksan ang casting call para sa Season 4 ng Drag Race Philippines! Yes, tama ang basa mo—may bagong batch na naman ng mga reyna ang aakyat sa pinaka-maangas na drag stage sa bansa.

Ayon sa anunsyo nitong January 10, hanggang February 6 na lang ang deadline ng auditions. Kaya tanong ng bayan: handa ka na bang sumabak, o hanggang nood-na-lang muna? 

Ang timing ng casting na ito ay mas lalong nakakakiliti dahil kasunod ito ng matagumpay na spin-off na DRPH: Slaysian Royale, na literal na bumasag ng viewership records sa premiere pa lang. Kaya pressure is real, mga besh—kaya mo bang pantayan (o higitan) ang mga nauna?

Siyempre, babalik din ang powerhouse judging panel na pinangungunahan ng drag icon na si Paolo Ballesteros, kasama sina Jervi Wrightson, Jiggly Caliente, Jon Santos, Rajo Laurel, BJ Pascual, at iba pa. Tanong: handa ka bang ma-judge—at ma-love—ng mga halimaw sa standards?

Sa loob ng tatlong season, nasaksihan natin kung paano ginawang global fashion moment ng mga reyna ang local references—mula probinsya feels hanggang pop culture hugot. May runway na mapapabulalas ka, may lip-sync na dudurog sa damdamin mo, at syempre, Untucked moments na pang-chismisan hanggang next episode. Aminin, doon tayo buhay na buhay. 

At sino ba naman ang makakalimot sa mga naghari na:

Precious Paula Nicole

Captivating Katkat

Maxie Andreison

at Brigiding (Slaysian Royale)

Plus, ang dami na ring DRPH alums ang nag-level up internationally—sina Marina Summers, Eva Le Queen, Minty Fresh, at iba pa. Kaya ang tanong ngayon: ikaw na ba ang susunod na Pinoy drag superstar na lalaban sa world stage?

Sa ngayon, tikom pa ang bibig ng production pagdating sa detalye ng Season 4. Pero kung pagbabasehan ang mga nagdaang season—expect the unexpected: mas bonggang rampa, mas personal na kwento, at mas walang preno na creativity.

So mga reyna, wigs ready na ba? Heels polished? Nerves of steel?

Dahil baka isang audition na lang ang pagitan mo sa korona.