Diskurso PH
Translate the website into your language:

Pa-Tulfo gone wrong: Nikko Natividad, pina Tulfo ng dating kasambahay

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-12 21:18:22 Pa-Tulfo gone wrong: Nikko Natividad, pina Tulfo ng dating kasambahay

“Hindi ko akalaing darating ang time na matu-Tulfo ako.”

Ito ang naging emosyonal at prangkang pahayag ni Nikko Natividad matapos siyang ipa-Tulfo ng sarili niyang kasambahay—isang pangyayari na talaga namang ikinagulat ng marami, lalo na’t nauwi pa ito sa live na pag-uusap sa programa ni Raffy Tulfo.

Ayon sa reklamo, inireklamo raw ng kasambahay si Nikko dahil sa isang post ng aktor kung saan sinabi niyang siya ay na-scam. Sa unang tingin, mukhang simpleng reklamo lang—pero habang tumatakbo ang usapan, lumabas ang mas malaking detalye: umalis pala ang kasambahay nang hindi pa nababayaran ang ₱44,000 na cash advance na ibinigay nina Nikko at ng kanyang asawa.

Dito na umikot ang timbangan ng istorya. Sa gitna ng paliwanagan, malinaw na naipakita ang panig ni Nikko—at mismong si Tulfo ang nagsabing parang ang nangyari ay “pina-Tulfo mo na rin ang sarili mo.” Aray, ‘di ba?

Sa bandang huli, humingi ng tawad ang kasambahay at nangakong hindi tatakasan ang ₱44k na in-advance sa kanya. Isang ending na hindi inaasahan ng marami, lalo na ng mga sanay makakita ng baliktad na resulta sa ganitong klaseng isyu.

Dapat bang sa social media muna dinadaan ang ganitong personal na isyu?

Hanggang saan ang responsibilidad ng amo, at saan nagsisimula ang pananagutan ng kasambahay?

At sa panahon ngayon, kapag ba artista ka, automatic ka nang mali hanggang mapatunayan ang totoo?

Sa isang iglap, ang inaakalang simpleng reklamo ay nauwi sa isang public lesson—na hindi lahat ng umaabot sa Tulfo ay panalo… at minsan, ikaw pa ang talo sa sarili mong reklamo. 

Larawan: Raffy Tulfo in Action Youtube