Kendall Jenner, nagsalita na sa isyu ng plastic surgery: “I’ve never had any plastic surgery on my face”
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-13 22:11:08
Matagal nang pinag-uusapan online ang pagbabago raw ng itsura ni Kendall Jenner, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit palaging inuugnay ang pangalan niya sa plastic surgery. Pero sa wakas, diretso na niyang sinagot ang intriga.
Sa kanyang guest appearance sa podcast na In Your Dreams na hino-host ni Owen Thiele noong Enero 9, binasag ng supermodel ang mga matitinding espekulasyon tungkol sa kanyang mukha.
Ayon kay Kendall, malinaw at simple lang ang sagot niya: wala siyang ipinagawang plastic surgery.
“I’ve never had any plastic surgery on my face, nothing,” ani Kendall.
Inamin niya na nakapag-try siya ng baby Botox sa noo, pero nilinaw niyang hindi ito naging regular at hindi rin niya ito nagustuhan.
“I’ve done baby Botox in my forehead. I didn’t love it—and I don’t love it,” sabi niya.
“I actually really enjoy the movement that I have, so if anything, I did it for fine lines.”
Bukod dito, sinabi rin ni Kendall na PRP o platelet-rich plasma injections lamang ang iba pa niyang ginawa, isang treatment na karaniwang ginagamit para sa skin healing.
Isa rin sa matagal nang pinagpipiyestahan ng netizens ay ang umano’y nose job ng modelo. Dito, naging honest si Kendall at sinabing naiintindihan niya kung bakit maraming naniniwala rito.
“I will say the nose job allegations I’ve gotten, I would believe them if I wasn’t me,” aniya.
“I look at old photos of me, and I’m like, ‘Wait, it does look like I have a nose job.’”
Pero mariin pa rin niyang itinanggi ang paratang.
“I swear to God on everything that I love, I’ve never had a nose job.”
Ipinaliwanag ni Kendall na natural lang daw ang pagbabago ng mukha habang tumatanda, at aminado siyang mas malapad ang itsura ng ilong niya noong mas bata pa siya.
“As I got older, I grew into my nose. My nose did look wider when I was younger.”
Nabanggit din niya ang isa pang usap-usapan sa TikTok—na ang Accutane, isang acne medication na ginamit niya noon, ay maaaring nakaapekto sa itsura ng kanyang ilong.
“There’s a theory on TikTok that Accutane shrinks your nose. And you guys, I swear to God, it’s true.”
Hindi rin pinalampas ni Kendall ang mga viral videos kung saan mismong mga doktor ang gumagawa ng breakdown umano ng mga cosmetic procedures ng celebrities.
“I’ll see videos of me where a licensed doctor is breaking down all the surgeries I’ve had—and I’ve never had those things done,” aniya.
Para kay Kendall, delikado ang ganitong content, lalo na para sa mga kabataang nanonood at maaaring ma-pressure na magpa-procedure.
“It can affect young people in such an interesting way… then they rush and do something silly,” dagdag niya.
Matapos ang lahat ng paglilinaw na ito, tapos na nga ba ang usap-usapan?
O may mananatiling tanong pa rin sa isipan ng netizens: talaga bang natural ang lahat—o hindi pa rin kumbinsido ang publiko?
