Michael Pacquiao, nagpa-retoke nga ba?
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-14 20:46:13
Chika overload ngayon sa social media ang bagong itsura ni Michael Pacquiao! Matapos kumalat ang kanyang latest photos at videos, maraming netizens ang agad nakapansin: parang mas maliit at mas matangos na raw ang kanyang ilong. Kaya naman ang tanong ng bayan—nagpa-retoke nga ba siya?
Sa comment sections pa lang, talagang nag-init na ang usapan. May mga nagsasabing baka anggulo lang ng camera, tamang lighting, o epekto ng weight loss at pag-mature ng mukha. Pero syempre, hindi rin mawawala ang mga nag-iinsist na, “Parang iba na talaga, ha?” May nagtanong pa: “Kung glow-up lang, bakit parang biglang nag-iba?”
Dagdag pa sa intrigang ito ang 15-year age gap relationship ni Michael kay Joyce Tan Custodio, isang celebrity fashion stylist. Dahil dito, mas naka-zoom in ngayon ang publiko sa kanya—mula sa love life hanggang sa itsura. May mga usyosong tanong tuloy na lumulutang:
May kinalaman kaya ang bagong relasyon sa mas bonggang glow niya ngayon?
May pressure bang mag-level up sa itsura dahil mas exposed na siya sa limelight?
O simpleng self-care at style upgrade lang talaga ito?
At kung sakali mang nagpa-retoke nga siya, isyu ba dapat iyon? Hindi ba’t personal choice naman ito, lalo na kung mas naging confident siya? Pero syempre, bilang anak ng isang sikat na personalidad, maiwasan nga bang mapag-usapan ang bawat pagbabago sa kanya?
Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig ni Michael Pacquiao tungkol sa isyung ito. Kaya ang tanong: retoke ba talaga, o epekto lang ng glow-up plus chika ng netizens? Ikaw, anong say mo?
Larawan: Jinkee Pacquiao Facebook
