BLIND ITEM: Aktres, nanganganib mawalan ng pelikula dahil sa “two lines”?
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-16 17:19:51
May kumakalat na matinding bulung-bulungan sa showbiz circle na alanganin na raw matuloy ang pelikulang pagbibidahan ng isang sikat na aktres—at hindi ito dahil sa script o sched issue. Ang tunay na dahilan? May dinadala raw si ate girl na hindi pa puwedeng ipangalandakan.
Ayon sa mga tsismosang alerto sa set, buntis umano ang aktres, pero nasa super early stage pa lang kaya todo tago at todo ingat. Hindi pa raw lampas sa first trimester kaya bawal muna ang bonggang rebelasyon, lalo na’t ayaw nitong ma-jinx ang kanyang kalagayan.
Mas lalong juicy ang usapan dahil ang itinuturong ama ng dinadala ay walang iba kundi ang aktor na kanyang karelasyon. Yes, tama ang basa mo—real-life loveteam na naman ang posibleng maging parents, kaya naman excited na agad ang mga Marites kahit wala pang kumpirmasyon.
Puwede pa raw ituloy ng aktres ang pelikula habang hindi pa halata ang baby bump, pero kung maselan ang pagbubuntis, posibleng makiusap siya sa producer na ipagpaliban muna ang proyekto. Siyempre, negosyo pa rin ang pelikula—kaya malaking desisyon ito sa magkabilang panig.
Sa popularidad ng dalawa at sa dami ng isyung kinasasangkutan nila, imposibleng manatiling sikreto ito nang matagal. Kaya ang tanong ng bayan: sino ang aktres, sino ang aktor, at kailan lalabas ang pinaka-chika-filled na rebelasyon? Abangan kung sino ang unang aamin… o mabubuking.
