Diskurso PH
Translate the website into your language:

SIKAT FASHION: 2016 Is back! Celebrities, binalikan ang Kanilang “Golden Era”

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-17 16:24:25 SIKAT FASHION: 2016 Is back! Celebrities, binalikan ang Kanilang “Golden Era”

Hindi lang simpleng throwback ang umiikot ngayon sa social media—isang buong dekada ang binabalikan ng mga celebrities, at tila sabay-sabay ding tinamaan ng nostalgia ang kanilang mga followers.

From chokers, Snapchat filters, hanggang sa mga kantang paulit-ulit nating pinapatugtog noon, bumabalik ang 2016 vibes—at aminin man natin o hindi, parang may kirot at saya itong dala.

Mula international stars hanggang local celebrities, heto ang ilang personalidad na nagpaalala sa atin kung bakit special ang 2016.

Ang trend na “2026 is the new 2016,” na unang umusbong sa TikTok, ay mabilis na kumalat sa Instagram—at syempre, hindi nagpahuli ang mga celebrities. From career milestones to personal memories, heto ang ilang artista na nagpaalala kung bakit espesyal ang taong iyon.


Janine Gutierrez
Sa kanyang photo dump, binalikan niya ang kanyang calendar girl era (Petron 2017), ang pagiging Agua sa Encantadia, magazine covers, campaign shoots, at maging ang YES! Magazine condo feature.
Megan Young
2016 ang taon na namuhay siya mag-isa, sabay-sabay na busy sa trabaho kasama ang kanyang then-boyfriend na si Mikael Daez—na asawa na niya ngayon.
Gabbi Garcia
Sa kanyang post, binalikan niya ang Encantadia days—ang panahong isinilang ang sisterhood ng mga Sang’gre, at kung kailan niya ginampanan ang iconic role ni Alena.
Bryan Boy
Ibinahagi niya ang behind-the-scenes moments ng kanyang 2016—mula major fashion events hanggang sa kanyang “recovery era” matapos ang nose job.
Alexa Ilacad
Binalikan niya ang kanyang onstage performances at early music journey—isang bagay na ngayon ay mas na-a-appreciate ng fans lalo’t muli siyang napapanood sa Your Face Sounds Familiar.
Jodi Sta. Maria
Kasama sa kanyang 2016 memories ang The Achy Breaky Hearts, International Emmys experience, blonde era, travels, at sweet moments with her son, Thirdy.
Donny Pangilinan
Iyan ang paalala ni Donny Pangilinan sa kanyang 2016 throwback, kung saan binalikan niya ang kanyang Brent International School days.
Awra Briguela
Ito ang taon na nadiskubre siya, napasama sa FPJ’s Ang Probinsyano, at naging viral dahil sa kanyang witty impersonations.
Winwyn Marquez
Ibinahagi niya ang mga sandaling puno ng training, self-discovery, doubts, at slow growth—isang panahong hindi man flashy, ay naghanda sa kanya para sa buhay na tinatamasa niya ngayon.
Bakit Ba Lahat Gusto Bumalik sa 2016?
Talaga bang mas magaan ang buhay noon, o mas namimiss lang natin kung sino tayo dati?

Para kay Janine Gutierrez, loaded ang 2016 ng milestones at emosyon.

Pero mas kinaaliwan ng fans ang kanyang honest caption—kung saan inamin niyang hindi puro saya ang 2016. May lungkot, may pagod, may growth. Mula red hair na ini-spray paint lang para sa taping, hanggang sa pagiging “cinemalaya girlie,” malinaw ang isang bagay: trabaho kung trabaho si Janine noon.

Sa huli, proud siya sa dating sarili—at ramdam ng fans ang maturity at gratitude sa bawat linya.

Tahimik pero makahulugan ang pagbabalik-tanaw ni Megan Young.

Simple lang ang memories: spontaneous day trips, beach days, makeup experiments, at oo—Pokémon Go era, kung saan ang unang huli nila ay isang Rattata. Sino ba naman ang hindi makaka-relate?

Maiksi pero puno ng feels ang throwback ni Gabbi Garcia.

“Hello 2016,” saad niya—na para sa fans, parang pagbukas ulit ng isang mahalagang kabanata ng Philippine TV history.

Kung fashion nostalgia ang usapan, walang tatalo kay Bryan Boy.

Raw, unfiltered, at very him ang caption: paalala na kahit nasa healing stage, puwede ka pa ring mag-serve ng looks.

Para kay Alexa Ilacad, rockstar dreams ang 2016.

“Mom, I told you it wasn’t a phase,” biro niya—na ikinatuwa ng netizens na nakasubaybay sa kanyang growth.

Isang napaka-reflective na throwback ang ibinahagi ni Jodi Sta. Maria.

Simple pero tumatama ang kanyang caption: chasing moments that mattered, kahit hindi pa alam kung ano ang darating.

Before the stardom, estudyante muna.

Maiksi lang ang caption, pero sapat para kiligin ang fans na nasaksihan ang kanyang glow-up over the years.

Kung may “prime era,” aminado si Awra Briguela—2016 na ‘yon.

Ang breakout year na ito ang nagbukas ng pinto sa mas malalaking oportunidad, kabilang ang kanyang panalo sa Your Face Sounds Familiar Kids noong 2017.

Para kay Winwyn Marquez, ang 2016 ay tahimik pero mahalaga.

Sa kanyang caption, malinaw ang mensahe: kahit parang walang nangyayari noon, may hinahanda na pala ang tadhana.

Habang patuloy ang pagdami ng throwback posts, isang tanong ang bumabalik:

Anuman ang sagot, malinaw ang isang bagay—ang 2016 ay hindi lang taon. Isa itong pakiramdam.

At sa 2026, mukhang handa tayong balikan ito—kahit sandali lang.