Emma D’Arcy ng "House of the Dragon, pinasaya ang isang Filipina fan sa biglaang tagpo sa London
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-22 22:50:48
Usap-usapan ngayon online ang isang feel-good moment matapos mag-viral ang video ng isang Filipina fan na biglang naka-encounter ang “House of the Dragon” star na si Emma D’Arcy sa London.
Sa TikTok video na umabot na sa milyon-milyong views, makikitang chill lang si Emma habang nakaupo sa labas ng isang food shop—kasama pa ang kapwa “Game of Thrones” actor na si Tobias Menzies—nang lapitan sila ng asawa ng Pinay fan para magtanong kung puwedeng magpa-picture.
At guess what? GAME SI RHAENYRA!
Pagpasok ng Filipina fan sa frame, hindi na niya napigilan ang kanyang tuwa—talon, tawa, at kilig ang peg habang sinasabi niyang isa siyang huge fan ng aktres. Hindi lang basta pumayag magpa-picture si Emma, tinanong pa nito ang pangalan ng fan at nakipagkamay pa, na ikinatuwa lalo ng netizens.
May pa-sorry moment pa si ate girl dahil baka raw “nakaabala” siya—pero natawa lang si Emma, patunay na down-to-earth talaga ang Hollywood star.
Sa caption ng viral video, pabirong sinabi ng fan: “Naniniwala na talaga akong mahal ako ni Lord,” sabay kwento na nagjo-joke lang daw siya sa asawa niya na parang “wala namang artista dito”… at biglang BOOM—Emma D’Arcy na ‘yon!
Dahil dito, bumuhos ang papuri mula sa netizens na mas lalong humanga sa aktres hindi lang dahil sa kanyang husay bilang Rhaenyra Targaryen, kundi pati sa pagiging approachable at kind niya sa fans—lalo na sa isang Pinay.
Sa ngayon, patuloy pa ring pinag-uusapan ang nasabing encounter, habang inaabangan ng fans ang Season 3 ng “House of the Dragon,” na inaasahang ipalalabas ngayong taon.
Ikaw, anong gagawin mo kung bigla mong makasalubong ang paborito mong Hollywood star?
Photo: Screengrab from TikTok/@franchefries
