May go signal na ba? Andre Yllana speaks up sa ligawan nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-22 23:17:49
Mukhang walang kontrabida sa eksenang ito, mga bes!
Usap-usapan ngayon sa showbiz ang budding romance nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc—at mas lalong uminit ang chika matapos magsalita ang anak ng aktres na si Andre Yllana.
Sa isang press conference para sa upcoming series na “Hell University,” tinanong si Andre tungkol sa panliligaw ni Onemig sa kanyang mommy. Imbes na umiwas, diretsahan niyang sinabi ang linyang ikinilig ng netizens:
“Mukha naman po silang masaya eh. So kung masaya naman po sila, enjoy po. You have my blessing.”
Basbas na ba ‘yan?
Ibig sabihin kaya nito ay open na ang pamilya ni Aiko sa posibilidad ng bagong relasyon?
Matatandaang kinumpirma mismo ni Onemig Bondoc sa isang joint TikTok Live na nililigawan niya si Aiko, pero hanggang ngayon ay hindi pa raw sinasagot ng aktres-politiko.
So ano na kaya ang status nila ngayon—ligawan stage pa rin o pa-level up na?
Nang tanungin kung close ba siya kay Onemig, simple pero telling ang sagot ni Andre:
“Pwede na po.”
Ibig bang sabihin nito ay pasado na si Onemig sa unang screening?
Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Andre na maayos ang relasyon nila pareho ng kanyang mga magulang, sina Aiko at Jomari Yllana. Suportado raw siya ng kanyang mommy sa kanyang career, habang si daddy naman ay hands-on pagdating sa disiplina at pagiging professional sa trabaho.
Green flag ba kapag supportive ang buong pamilya?
At kung masaya ang lahat—lalo na ang anak—may hahadlang pa kaya sa posibleng relasyon nina Aiko at Onemig?
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung kailan (o kung) sasagutin ni Aiko ang manliligaw. Pero sa dami ng basbas at good vibes…
Malapit na nga bang maging official?
