Diskurso PH
Translate the website into your language:

WHAT TO WATCH: ‘Lord of the Rings: Fellowship of the ring’ extended edition, mapapanood muli sa PH cinemas

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-22 12:38:12 WHAT TO WATCH: ‘Lord of the Rings: Fellowship of the ring’ extended edition, mapapanood muli sa PH cinemas

Magandang balita sa mga Pinoy na Tolkien fans at fantasy lovers—babalik sa Philippine cinemas ang “The Lord of the Rings: The Fellowship of the Ring” para sa isang limited screening lamang mula Enero 23 hanggang 25, bilang pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng iconic film.

Hindi ordinaryong bersyon ang ipapalabas kundi ang extended edition, na may halos 30 minutong dagdag na eksena kumpara sa theatrical cut noong 2001. Ibig sabihin, mas mahaba, mas detalyado, at mas malalim ang pagbabalik sa mundo ng Middle-earth, na may kabuuang runtime na humigit-kumulang 3 oras at 28 minuto.

Ang pelikula, na idinirek ni Peter Jackson at hango sa nobela ni J.R.R. Tolkien, ay sumusunod sa paglalakbay ni Frodo Baggins, isang hobbit na inatasang sirain ang isang makapangyarihang singsing na may kakayahang magdulot ng matinding kadiliman sa buong Middle-earth.

Kasama sa powerhouse cast sina Elijah Wood, Ian McKellen, Viggo Mortensen, Sean Astin, Orlando Bloom, Cate Blanchett, Liv Tyler, John Rhys-Davies, at Sean Bean—mga karakter na hanggang ngayon ay itinuturing nang iconic sa kasaysayan ng pelikula.

Sa takilya, halos $900 million ang kinita ng “The Fellowship of the Ring” sa buong mundo at tumanggap ito ng 13 Academy Award nominations, kung saan nanalo ng apat, kabilang ang Best Cinematography at Best Original Score.

Ang trilogy ay nagtapos sa “The Return of the King” noong 2003, na nag-uwi ng 11 Oscars, habang lumawak pa ang franchise sa “The Hobbit” trilogy at mga bagong proyekto tulad ng animated film na “The War of the Rohirrim” at ang paparating na live-action na “The Hunt for Gollum.”

Handa ka na bang balikan ang Middle-earth sa mas mahaba at mas epic na bersyon?
At para sa mga Gen Z viewers—ito na ba ang tamang panahon para panoorin sa big screen ang pelikulang hinahangaan ng buong mundo?