Cha Eun-woo, nadawit sa ₩20B tax issue na inuugnay sa kumpanya ng kanyang ina
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-01-23 22:41:50
OMG K-netizens, hold your lightsticks
Usap-usapan ngayon ang pangalan ni Cha Eun-woo matapos lumabas ang ulat na inaakusahan umano ang K-pop idol-actor ng mahigit ₩20 bilyon (₱800M+) na tax evasion, na inuugnay sa isang kumpanyang itinatag ng kanyang ina.
Ayon sa mga ulat mula sa National Tax Service (NTS) ng South Korea, sumailalim sa tax audit si Eun-woo (legal name: Lee Dong-min) bago pa siya mag-enlist sa military noong Hulyo 2025. Dito raw napansin na ang kita niya mula sa entertainment projects ay dumaan sa isang corporate entity—tinukoy bilang “Company A”—na may service contract sa kanyang agency na Fantagio.
Ang chika? Sinasabi ng tax authorities na “paper company” lang umano ang naturang entity—meaning, halos walang aktwal na operasyon—at ginamit para maipasa ang kita sa mas mababang corporate tax rate, imbes na sa personal income tax ni Cha.
Dahil dito, konklusyon ng NTS: kung diretsong na-tax sa personal filings ni Eun-woo ang nasabing kita, mahigit ₩20 bilyon daw ang dapat na binayarang buwis.
Pero teka—may sagot ang kampo ni Cha.
Sa opisyal na pahayag ng Fantagio nitong Enero 22, nilinaw ng agency na hindi pa raw pormal na confirmed o na-notify ang kaso. Ang pangunahing isyu raw ay kung ang kumpanyang itinatag ng ina ni Cha ay maituturing bang substantive taxpayer sa ilalim ng batas.
Dagdag pa ng agency, handang makipag-cooperate si Eun-woo sa imbestigasyon at patuloy daw niyang tutuparin ang kanyang obligasyon bilang isang responsableng mamamayan.
Samantala, patuloy pa ring nag-iinit ang diskusyon online—lalo na’t si Cha ay kasalukuyang nagsisilbi sa ROK Army brass band, at inaasahang madi-discharge sa Enero 2027.
Si Cha Eun-woo ay kilala hindi lang bilang visual king ng ASTRO, kundi bilang leading man sa hit K-dramas tulad ng “True Beauty,” “My ID is Gangnam Beauty,” at “A Good Day to Be a Dog.” Kaya naman, hindi maiwasang mabigla ang fans sa kontrobersiyang ito.
Sa ngayon, allegations pa lamang ang lahat at hinihintay pa ang opisyal na resolusyon ng kaso.
Ikaw, anong take mo? Misunderstanding lang ba ‘to o seryosong isyu?
