Diskurso PH
Translate the website into your language:

SHOWBIZ TRIVIA Taylor Swift, pinakabatang babaeng na-induct sa Songwriters Hall of Fame

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-23 22:51:11 SHOWBIZ TRIVIA Taylor Swift, pinakabatang babaeng na-induct sa Songwriters Hall of Fame

Mga ka-marites, panibagong milestone ang naitala ng global pop superstar na si Taylor Swift! Sa edad na 36, siya na ngayon ang pinakabatang babae na na-induct sa prestihiyosong Songwriters Hall of Fame, isang karangalan na bihirang maabot ng kahit sinong artist. 

Inanunsyo ang bagong tagumpay ni Taylor noong January 21, at kasama rin sa batch ng 2026 inductees ang mga music legends tulad nina Alanis Morissette, Kenny Loggins, at Gene Simmons. Pero siyempre, fans, iba pa rin ang kilig sa achievement ni Taylor — record breaker talaga!

Teenager pa lang si Taylor nang pumirma siya ng kanyang first publishing deal. Mula noon, tuloy-tuloy na ang paglikha niya ng mga kantang tumatak sa puso ng milyon-milyon, kabilang ang 13 No. 1 hits sa Billboard Hot 100.

Ilan sa mga kantang binanggit sa kanyang induction:

  • All Too Well (10 Minute Version) (Taylor’s Version)

  • Blank Space

  • Anti-Hero

  • Love Story

  • The Last Great American Dynasty

Noong October 2025, inilabas ni Taylor ang kanyang 12th studio album, The Life of the Showgirl, na nagbenta ng mahigit 4 million copies sa unang linggobiggest debut week in music history! Sa Instagram, hindi niya napigilang magpasalamat sa fans sa kanilang suporta sa lahat ng paraan: vinyl, CDs, streaming, panonood ng videos, at pagbabasa ng mga poems sa album packaging.

Noong May 2025, isa pang malaking milestone ang naitala: nabili niya pabalik ang masters ng unang anim niyang albums. Sa isang heartfelt letter, ibinahagi niya ang saya at pasasalamat sa fans at sa Shamrock Capital na nagbigay sa kanya ng pagkakataon. Sa wakas, lahat ng musika niya ay kanya na talaga!

Sa dami ng achievements ni Taylor, parang wala nang limitasyon sa kanya. Ano pa kaya ang susunod niyang hakbang para mas mapalapit sa musical history?