Diskurso PH
Translate the website into your language:

WHAT TO WATCH The Secrets of Hotel 88: First Teaser Drops!

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-23 23:03:28 WHAT TO WATCH The Secrets of Hotel 88: First Teaser Drops!

Fans ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, handa na ba kayo? Ang Star Creatives ay naglabas na ng teaser para sa bagong mystery-thriller series na “The Secrets of Hotel 88”, na pinagbibidahan ng inyong paboritong ex-housemates: Brent Manalo, River Joseph, Bianca De Vera, Kira Balinger, Esnyr, Xyriel Manabat, Ralph de Leon, at mga Sparkle stars na sina Mika Salamanca, AZ Martinez, Dustin Yu, Josh Ford, at Will Ashley.

Ang teaser ay puno ng tension at misteryo. Makikita ang mainit na sagutan tungkol sa isang bahagi ng lupa sa isang pribadong isla. Mika: “Gusto namin bilhin yung parte niyo.” Will: “Sino naman may sabi na magbebenta kami?” At sa huli, isang brawl ang naganap na nauwi sa eksena ni Brent na nakabitin sa gilid ng isang bangin.

At ang pinakachilling na eksena? Isang lalaking humihila ng itim na bag na basa sa dugo. Ano kaya ang laman niyan? Sino kaya ang nasaktan?

“Ralph, Brent, at Will Ashley ba magkakapatid? At sila ba ang maghahanap ng totoo sa Hotel 88?”

“Sino kaya ang killer? At sino ang nagtatago ng lihim sa likod ng hotel na ito?”

Bukod sa mga ex-housemates, tampok din ang veteran actors na sina Dominic Ochoa, Gardo Versoza, at Ina Raymundo.

Ayon kay Mika Salamanca, ramdam niya ang pressure na ipakita na hindi lang siya ex-PBB, habang sina Brent at River ay excited na ibang sides ng mga housemates ang ipapakita.

Set to premiere sa unang quarter ng 2026. Handang-handa na ba kayong sumisid sa mga lihim ng Hotel 88? At higit sa lahat… sino kaya ang tunay na may kontrol sa lahat ng nangyayari?