Diskurso PH
Translate the website into your language:

Niana Guerrero at Jarren Garcia, may namumuong something nga ba?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-24 16:07:25 Niana Guerrero at Jarren Garcia, may namumuong something nga ba?

Usap-usapan ngayon online ang tila special closeness nina TikTok superstar Niana Guerrero at former Pinoy Big Brother Gen 11 housemate na si Jarren Garcia. Simple bonding lang ba talaga, o may mas malalim na dahilan kung bakit halos hindi na sila mapaghiwalay? 

Namataan kasi ang dalawa na magkasamang naglalakad sa BGC, Taguig, at hindi lang basta lakad — kitang-kita raw ang kulitan, tawanan, at effortless na chemistry nila. Hindi man sila magkahawak-kamay, pero tanong ng netizens: kailangan pa ba ‘yon kung obvious namang komportable sila sa isa’t isa?

Mas lalong uminit ang intriga dahil sa matchy-matchy outfits nila — parehong naka-white shirt, black pants, at bull cap. Coincidence lang ba ‘to o may silent “couple peg” na nagaganap? Kasi aminin, bihira ang ganitong sabay na fashion moment kung hindi kayo super close… or may something. 

Hindi rin ito ang unang beses na nali-link ang dalawa. Madalas silang makitang magkasama, kadalasan kasama si Rain Celmar, best friend ni Niana. Pero napapansin ng fans: bakit parang iba ang glow ni Niana kapag si Jarren ang katabi? At si Jarren naman, bakit parang mas game sa TikTok challenges kapag si Niana ang ka-duet?

Throwback pa — present din si Niana sa album launch ni Jarren noong February 2025. Supportive friend lang ba ‘yon, o may special seat sa puso? Dagdag pa riyan ang magkapareho nilang Halloween costumes last year. Friends lang ba talaga ang nag-e-effort ng couple-level costume coordination? 

Habang tahimik pa sina Niana at Jarren, tuloy ang kilig at haka-haka ng fans. Kasi minsan, bago pa umamin ang puso… nauuna na talagang makapansin ang internet. 

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa. Pareho naman silang single, kaya kung sakaling may namumuo, walang masasagasaan, ‘di ba?
Soft launch na ba ‘to? O talagang tropa goals lang na binibigyan ng malisya ng mga marites?