Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ina ni Dudut, tila may pasabog na pahiwatig — netizens kumbinsidong may third party

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-01-27 22:00:43 Ina ni Dudut, tila may pasabog na pahiwatig — netizens kumbinsidong may third party

Hindi pa man nagsasalita sina Dudut at Chloe, umugong na ang social media matapos ang matapang at emosyonal na post ng ina ng Team Payaman member na si Dudut — at para sa maraming netizens, hindi na raw ito blind item.

Sa viral post, mababasa ang linyang: “All three people bear responsibility in an affair.” Para sa followers na matagal nang sumusubaybay sa relasyon, malinaw daw ang mensahe: hindi lang dalawa ang sangkot, kundi may pangatlo.

Mas lalong naging maugong ang usapan dahil sa bahagi ng post na nagsasabing matagal na raw nilang itinuring na parang pamilya ang isang “beautiful, demure young lady” sa loob ng 11 taon — pero kalaunan ay “lumabas ang totoong kulay.”

Dahil dito, maraming netizens ang naniniwalang hindi na ito simpleng cryptic post lang, kundi may malinaw na pinatutungkulan. Sa mata ng publiko, tila hindi na raw inililihim kung sino ang involved — kahit wala pa ring diretsahang pangalan na binanggit.

Hindi na ba ito blind item?

Kung hindi ito patungkol sa girlfriend, kanino pa?

Bakit may diin sa “three people” kung walang third party?

At kung mali ang hinala ng publiko, bakit walang paglilinaw mula sa kampo ng mga nadadamay na pangalan?

May ilan ding nagsasabing matagal na raw may mga bulung-bulungan sa loob ng circle, at ang post ng ina ni Dudut ang nagsilbing mitsa para tuluyang maglabasan ang mga haka-haka.

Sa dulo ng mensahe, sinabi niyang: “Rest my case. Move on na kami.”
Pero para sa netizens, kabaliktaran ang epekto — mas lalo lang daw nagkaroon ng kumpirmasyon sa kanilang hinala.

Kung naka-move on na nga, bakit ngayon lang nagsalita?
Bakit tila may pinoprotektahan at may pinapatamaan sa parehong post?
At kung may katotohanan ang mga paratang, magsasalita rin kaya ang kabilang panig?

Sa ngayon, wala pang direktang pahayag mula kina Dudut at Chloe tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Kaya kahit malakas ang paniniwala ng netizens na malinaw na kung sino ang tinutukoy, nananatili pa ring wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa mismong mga sangkot.

Pero isang bagay ang sigurado sa mata ng publiko:
Hindi na ito basta tsismis lang — isa na itong isyung sinusubaybayan ng libo-libong fans na nasanay makita silang masaya on-cam.

Maglalabas ba ng paliwanag ang kabilang panig?
O mananatili na lang sa cryptic posts at social media silence?