Chloe San Jose, may patunay na hindi lang 'jowa ni Caloy' — Iskolar pala sa top university sa Korea!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-01 19:53:17
Bongga at may resibo! Hindi lang pala basta singer, influencer, at girlfriend ng two-time Olympic medalist na si Carlos Yulo si Chloe San Jose — certified brainy beauty rin pala ito matapos makapagtapos sa isang kilalang unibersidad sa South Korea.
Ibinahagi ni Chloe sa Instagram ang milestone na ito kalakip ang graduation photos niya sa loob mismo ng campus ng Korea University sa Seoul, isa sa mga top universities sa bansa.
Caption niya:
“first beautiful plot twist of 2026: lived in seoul as an international student and attended one of the top universities in korea…”
At dagdag pa niya, parang daw itong isang “real-life K-drama ending.”
K-drama ending nga ba o bagong simula ng mas bonggang career?
Ayon sa international education sources, kilala ang Korea University sa pagtanggap ng ilan sa pinakamahuhusay na estudyante sa Korea. Bukod sa mataas na academic standards, kilala rin ang campus sa ganda ng arkitektura at environment. Kaya hindi biro ang makapasok — lalo na bilang international student.
From bashers to bragging rights?
Matatandaang naging sentro ng intriga si Chloe noong kasagsagan ng isyu kay Carlos Yulo at sa pamilya nito. Marami ang bumatikos sa kanya at sinabing masyado raw siyang involved sa personal na buhay ng atleta.
Pero habang maingay ang bashers, tahimik palang may diplomang binubuo sa Korea ang singer.
Hindi rin naman nagpatalo si Chloe noon — inilabas pa niya ang kantang “Nonchalant,” na tumatalakay sa hindi pagpapadala sa toxic na opinyon ng iba.
Habang abala ang netizens sa pambabash, lihim bang nag-aaral si Chloe sa Korea?
Ito ba ang dahilan kung bakit madalas siyang wala sa Pilipinas noon?
Mas lalong tatahimik kaya ang critics ngayong may academic achievement na siyang maipapakita?
After Korea University, susunod na kaya ang mas international na music career?
Mas lalo bang naging proud si Caloy ngayon sa kanyang girl?
Sa panahon na maraming celebrity ang hinuhusgahan agad base sa social media persona, mukhang may plot twist si Chloe na hindi inasahan ng marami.
From “jowa lang” comments to “graduate sa top Korean university” real quick.
