Diskurso PH
Translate the website into your language:

Fans nagkakagulo: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, mag ka date nga ba o AI lang?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-01 20:48:34 Fans nagkakagulo: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, mag ka date nga ba o AI lang?

Mga teh… umuusok na naman ang group chats at comment sections dahil sa viral photo at video na iniuugnay kina Kathryn Bernardo at Mayor Mark Alcala. Pero teka — bago tayo tuluyang magwala… malinaw ba talaga ang ebidensiya? Parang hindi rin!

Sa mga kumakalat na kuha, naka-facemask ang girl na sinasabing si Kathryn, habang si Mayor naman, puro side view o likod ang peg. Kaya heto na nga — hati na naman ang bayan.

Team “AI LANG ‘YAN!”

May mga netizen na todo tanggi:
“Edited lang ‘yan!”
“Grabe naman kayo, hindi si Kathryn ‘yan!”

Pero kung AI… sino ang may time at effort gumawa niyan? At bakit sobrang timing sa mga ganitong isyu?

Team “HOY SILA NA ‘YAN!”

May iba namang matatag ang paniniwala:
“Bagay sila!”
“Matagal na raw ‘yan!”
“Let her be happy!”

Kung hindi totoo, bakit parang may mga ‘resibo’ ang ibang netizens? Coincidence lang ba lahat?

Mas lalong naging teleserye ang issue dahil may nagsasabing parang si Alden Richards daw ang lalaki sa kuha, habang ang iba naman, “awrahan ni Daniel Padilla” ang nakikita.

So ano ba talaga, mga besh? Multiverse ba ‘to ng mga ex at look-alikes? O sadyang malabo lang ang kuha kaya lahat puwedeng ipasok sa imagination?

Hanggang ngayon, walang statement mula kay Kathryn. Dedma. Trabaho lang ang posts. Projects, endorsements, ganap sa career — all visible. Love life? Naka-airplane mode.

Kung fake, bakit walang diretsong pag-deny?

Kung totoo, bakit sobrang tago?

May pinoprotektahan ba? Privacy lang o may mas malalim na dahilan?

At bakit parang ang daming “nakakaalam” pero walang makapagpakita ng malinaw na ebidensiya?

May mga fans na todo suporta:
“Basta masaya si Kath, go!”

Meron ding hindi pa maka-move on:
“Hindi pa rin ako naniniwala!”

At siyempre, may mga prangkang netizen:
“Fans lang tayo, hindi tayo HR ng love life niya.”

Habang walang umaamin at walang umaawat, tuloy ang imbestigasyon ng sambayanang Marites.

So ano sa tingin mo — accidental sighting lang ba ‘to, AI experiment, o soft launch na hindi pa ready i-hard launch?