Rufa Mae Quinto, first win sa ‘Your Face Sounds Familiar’
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2026-02-02 23:23:34
Sa wakas, nakuha na rin ni Rufa Mae Quinto ang kanyang unang panalo sa bagong season ng Your Face Sounds Familiar! At hindi lang basta panalo—nagpa-wow pa siya sa judges at sa kanyang mga ka-kontestant nang gumanap bilang American singer-songwriter Fergie, kumanta ng “Big Girls Don’t Cry,” at makuha ang standing ovation mula sa lahat.
Sabi ni Karla Estrada, guest judge:
"Nakita nila ang galing mo ring kumanta… naramdaman namin ang puso mo sa performance!"
Samantalang mentor Klarisse de Guzman naman ay na-amaze sa commitment ni Rufa Mae:
"Hindi ka na-distract, damang-dama namin ang puso at emosyon mo!"
Gary Valenciano din ay humanga:
"Nagulat ako, may ibang level pala kapag sineryoso mo ang ginagawa mo. Tawa, palakpak, at standing ovation—lahat ng iyon!"
Sa huli, nakuha ni Rufa Mae ang kabuuang 33 points, at nag-uwi ng plaque at ₱50,000. Pero bago pa man manalo, naging emosyonal siya at ibinahagi ang malalim na dahilan kung bakit espesyal ang programa para sa kanya:
"Hindi ko in-expect na tatagal ako dito. Maraming nangyari sa akin, nawalan ako ng asawa… pero dahil sa show na ‘to, ramdam ko ang pagmamahal—mula sa audience, sa director, sa EP, sa ABS-CBN. Para bang panalo na ako sa pakiramdam dahil sa inyo."
Paano nga ba nagbago ang imahe ni Rufa Mae mula sa comedy queen patungong serious performer?Ano kaya ang susunod na transformation niya—magpapakita kaya siya ng ibang emosyonal na side?
