Diskurso PH
Translate the website into your language:

Emilienne Vigier, inamin ang trauma sa ex — pero kay Joshua Garcia, 'super safe' ang puso?

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-04 00:28:14 Emilienne Vigier, inamin ang trauma sa ex — pero kay Joshua Garcia, 'super safe' ang puso?

Mukhang hindi lang career ang blooming ngayon, pati love life ay panalo rin! Tatlong taon na palang tahimik pero matatag ang relasyon nina Kapamilya actor Joshua Garcia at content creator–businesswoman na si Emilienne Vigier. Yes, THREE YEARS mga mhie — at ngayon lang talaga sila nag-open up nang ganito!

Sa chikahan with DJ Chacha, ibinahagi ni Emilienne kung bakit lowkey ang peg nila ni Joshua pagdating sa relasyon. Hindi raw sila mahilig mag-post ng sweet moments online. Bakit? Kasi gusto raw nilang protektado at “super peaceful” ang kanilang samahan.

Ayon kay girl, mas okay daw na walang masyadong nakikisawsaw. Walang opinyon ng netizens, walang unsolicited comments — basta sila lang dalawa. 

Ang description pa niya sa relasyon nila ngayon?
“Super safe, very mature, very respectful.”
Ay iba, parang may emotional security package si Joshua ah!

Dagdag pa niya, best friends daw sila at kaya nilang maging vulnerable sa isa’t isa. At sa usaping selos? Naku, sabi ni Emilienne, “Manhid na ako at this point.”  Ibig sabihin ba nito ay ganun na kalakas ang tiwala? O sanay na sa showbiz world?

Pero mga mare, hindi naging madali ang pinagdaanan ni Emilienne bago makarating sa ganitong klaseng relasyon. Dito na pumasok ang mas mabigat na rebelasyon niya…

Inamin niyang galing siya sa isang toxic at traumatic past relationship sa isang narcissistic ex. May “love bombing,” may trauma bonding, at umabot pa raw sa puntong kinamuhian niya ang sarili niyang buhay noon. Ang sakit, di ba?

Dahil doon, natutunan niyang hinding-hindi na niya uulitin ang mawala ang sarili sa isang relasyon. Strong girl era na si ate mo!

Kaya ngayon, malinaw sa kanya ang boundaries. Para sa kanya, sagrado ang relasyon at hindi dapat ginagawang content ang bawat problema o detalye ng buhay mag-partner. Respeto raw iyon sa isa’t isa.

Ito na ba ang forever ni Joshua?
Siya na ba ang babaeng tuluyan nang nagpatino sa aktor?
At hanggang kailan nila mapapanatiling private ang isang relasyon sa gitna ng matinding showbiz spotlight?