Mga mare, may bagong reyna na naman tayong ibabandera sa mundo!
Opisyal nang kinoronahan si Asia Rose Simpson ng Quezon City bilang Miss World Philippines 2026 sa bonggang coronation night na ginanap sa SM Mall of Asia Arena nitong Martes, February 3. At oo, talagang moment niya ‘yon — lakas maka-main character energy!
Si Asia Rose ang tumanggap ng korona mula kay Miss World Philippines 2024 Krishnah Gravidez, kasama pa mismo sa stage si Miss World 2025 Opal Suchata Chuangsri. Level up agad, ‘di ba? Parang pasa-korona na may international blessing pa!
Nalampasan ni ate girl ang 23 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang parte ng bansa at mga komunidad ng overseas Filipinos. Ibig sabihin, hindi lang basta beauty — may laban talaga sa aura, projection, at presence.
Hindi rin pahuhuli ang runners-up:
-
First Princess – Anne De Mesa ng Maynila
-
Second Princess – Gabrielle Fuentes Galapia ng Pampanga
Parehong rumampa na parang may sariling electric fan ang buhok.
Iba Pang Koronang Ipinamigay
Bukod kay Asia Rose, may lima pang kandidata na ipadadala sa iba’t ibang international pageants:
-
Lorraine Ojimba (Rizal) – Miss Tourism Queen of the Year
-
Olivia Grace Reilly (Sultan Kudarat) – Miss Teen International Philippines
-
Marizza Delgado (FilCom New York) – Miss Universal Woman
-
Jayvee Lyn Lorejo (Davao) – Miss Tourism International Philippines
-
Valerie Pawid West (Ifugao) – Miss Global Philippines
Parang Avengers lineup ng mga beauty queen, mhie.
Malinaw ang misyon ni Asia Rose — iuwi muli ang Miss World crown sa Pilipinas, na huling napanalunan ni Megan Young noong 2013. Big shoes to fill, pero base sa performance niya sa coronation night, mukhang ready siyang rumampa, rumampa, rumampa hanggang world stage.
So mga mare… sa tingin n’yo ba siya na ang susunod na magpapaiyak sa atin sa international stage?
