Diskurso PH
Translate the website into your language:

Friendship over? Fans napansin ang ilangan vibes nina Bianca De Vera at Mika Salamanca

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-07 21:54:01 Friendship over? Fans napansin ang ilangan vibes nina Bianca De Vera at Mika Salamanca

Usap-usapan ngayon sa mundo ng PBB fandom ang tila paglamig ng samahan nina Bianca De Vera at Mika Salamanca, matapos mapansin ng netizens na parang may ilangan vibes ang dalawa sa mediacon ng kanilang seryeng “The Secrets of Hotel 88.”

Hindi raw maikakaila ang pagiging awkward ng dalawa—walang kulitan, walang pansinan, at tila iwasang-iwas sa isa’t isa. Kaya tuloy, bumuhos ang espekulasyon: may pinanggagalingan ba ang biglang pagbabago?

Lalong uminit ang chika nang kumalat ang mga larawan ni Mika sa Hong Kong, kasama ang ka-love team ni Bianca na si Will Ashley. Coincidence lang ba ‘yon, o may mas malalim na dahilan sa likod ng lahat ng ito? 

Ayon sa isang fan, matagal na raw napapansin ang distansya ng dalawa—even before pa ang nasabing mediacon.

“Mapapansin mo sa social media na hindi na sila nagla-like ng posts ng isa’t isa, pero active naman sa ibang housemates. Biglang naging close pareho kay Az, tapos si Bianca, hindi na rin roommate si Mika.”

Dagdag pa niya, kapansin-pansin din daw ang pagbabago sa kilos ni Brent—mas tahimik, mas reserved, bagama’t nananatiling propesyonal. May koneksyon kaya ito sa naging HK trip? May nalaman ba silang ikinagulat nilang lahat?

“Hindi naman mukhang selos ang pinanggagalingan. Parang mas malalim—baka dahil nabigla ang lahat sa secret trip ni Mika with Will.”

Sa kabila ng lahat, may mga fans pa ring naaawa kay Mika at naniniwalang may pinaghuhugutan ang isyu na tanging silang tatlo lang ang nakakaalam. Lalo’t hindi raw maikakaila ang loyalty ni Bianca kay Mika noon sa PBB, nang pangalanan pa niya itong Big Winner, kahit may nomination issue sila noon.

Ano nga ba talaga ang nangyari sa likod ng kamera?
May hindi pa ba nabubunyag na detalye?
Friendship over na ba, o misunderstanding lang na puwedeng maayos?

Umaasa ang fans na maaayos din ang gusot at babalik ang dating samahan ng dalawa. Go MiBi!