Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ogie at Sharon, nasobrahan sa biro kay Rufa Mae? Netizens, umalma

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2026-02-08 21:49:36 Ogie at Sharon, nasobrahan sa biro kay Rufa Mae? Netizens, umalma

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga marites netizens ang naging komento nina Ogie Alcasid at Sharon Cuneta sa performance ni Rufa Mae Quinto sa “Your Face Sounds Familiar.”

Sa nasabing episode, kapansin-pansin umano na mas seryoso at emosyonal ang ipinakitang performance ni Rufa Mae. Kaya ang tanong ng marami: bakit tila hindi ito tinapatan ng seryosong paghusga?

Imbes na masinsinang puna, biro at tawanan pa raw ang naging sentro ng comments nina Sharon at Ogie. Sadya ba itong trip lang, o may hindi ba sila nakita sa performance na ikinahanga ng viewers?

Hindi rin pinalampas ng mga netizen ang kanilang sentimyento sa social media. May isang X user pa nga ang naglabas ng panawagan:

“Petition to replace Ogie and Sharon next season. Ibalik na lang si Jed at ipasok si Klang, o kahit si Karla Estrada na lang.”

Isa pang netizen ang nagtanong:

“Kung ibang contestant kaya ang gumawa ng ganitong klaseng performance, tatawanan din ba?”

Dahil kilala si Rufa Mae bilang komedyana, may ilan namang nagsasabing posibleng nadala sa imahe nito ang dalawang hurado. Pero sapat bang dahilan iyon para hindi seryosohin ang isang malinaw na effort?

Mas lalong umingay ang usapin nang ikumpara ng ilan ang judging style nina Ogie at Sharon sa ibang hurado. Mas patas ba kung mas tahimik at mas diretso ang komento? O sadyang hindi lang nag-match ang trip ng judges at ng audience?

Ikaw, agree ka ba sa naging komento nina Ogie at Sharon—o kampi ka sa mga netizen?